Linggo araw Ng pahinga pero Hindi uso Ang salitang Ito sa pamilya liwanag.Sa pamilya liwanag,isang kahig isang tuka na may kakambal na kalbaryo sa bawat subo.
Ang pamilya liwanag ay pagbubuho Ang kinabubuhay Ng pamilya sila ay mga aeta na nakatira sa sitio malipuno zambales.pagtatabas Ng kawayang Ang nakagisnang kabuhayan,walang ibang Alam na trabaho si tatay Joseph kundi Ang pagbubuho.
May tatlong anak si tatay Joseph,Ang dalawang batang babae Ang makakatulong nya sa paghahanapbuhay kapag walang pasok Ang mga Ito,dahil sa mahirapan Ng buhay napipilitang magtrabaho Ang mga Bata dahil nakikita nila sa tatay nila nahirap Ito sa pagbubuhat Ng mga kawayan.
Sabado at linggo Lang tumutulong Ang dalawa nyang anak at paglunes hanggang biyernes ay NASA school Naman Ang mga Ito.
Kahit anong hirap Ng buhay Ang nararanasan Ng pamilya liwanag ay di kahulugan na para sila ay sumuko,ipinapagpatuloy pa Rin Ang buhay dahil Yun na Ang nakagisnang nilang buhay.
Nakakatuwang isipin na kahit hirap hanapin Ang pang araw araw nilang pangangailangan ay inuuna pa Rin ni tatay Joseph Ang Edukasyon Ng kanyang dalawang anak na kahit anong mangyari kahit sa pagbubuho Lang Ang ikinabubuhay nila ay handa pa Rin syang itaguyod Ang mga pangarap Ng kanyang mga anak.
Dalawang oras Ang bubunuin para akyatin Ang bundok Kung saan tumutubo Ang mga buho o kawayan ngayon kunti nalang Ang nakukuha nilang kawayan dahil may mga nagmamayari na Ito.
Noon daw Kasi walang nagmamayari sa mga lupa Kung saan tumutubo Ang mga buho o kawayan libre Ito para sa lahat Ng mga katutubo pero noong dumating daw Ang mga tagalog Nagkaroon Ng titulo Ang mga lupain hanggang sa Nagkaroon Ng bakod Ang gubat.
Makikitang Ani mo'y walang kapaguran si tatay Joseph sa pagbubuhat Ng kawayan araw araw para Lang may ma ipambayad sa utang sa tindahan at pang tustos sa pag aaral Ng dalawang anak.Sa panahon Kung kailan may kabayaran,kawayan at pangarap nalang Ang pwede nilang kapitan.
Sapat na ba Ang isang kahig para masuportahan Ito?
Mabagal Ang mga hakbang ni tatay Joseph ramdam nya Ang pagod at bigat na pinapasan nya,pero paano ka susuko Kung pasan mo sa iyong balikat Ang iyong mga pangarap.
Marami sa mga katutubong aeta na nangangarap Ng magandang buhay pero nabago Ang mga pangarap na Yun dahil sa nararanasang hirap Ng buhay mas mahalaga Ang trabaho kaysa maka pag aral sa kolehiyo.
Isa sa mga anak ni tatay Joseph Ang nagtuturo sa kanya sa pagsusulat at pagbabasa,katulad Ng Sabi Ng isang anak nya na kahit Wala sila at may mag papirma Alam Ng tatay Niya Kung ano Ang gagawin nito.Matupad man daw o Hindi Ang kanyang mga pangarap kahit papanoy maipasa man nya Ang binhi Ng panaginip.
March 23,2015 araw Ng pinakahihintay Ng pamilya liwanag na sa unang pagkakataon may magtatapos na Ng elementarya Ang panganay nyang anak na labis na ikinatuwa nya.
Sa kultura Ng mga aeta Ang mga Bata Ang pinakamahalaga,Ang kanilang mga pangarap Ang Pinoy dulo Ng kanilang paghihirap,Ang kanilang tagumpay Ang matamis na biyaya Ng buhay.
Magandang Gabi!!!