Ang Edukasyon

0 7
Avatar for Mike305
4 years ago

Akoy nagpapasalamat sa puong maykapal na binigyan nya po ako ng isang magulang na may pagpapahalaga sa edukasyon para sa kanyang mga anak.

Mahirap Ang buhay namin sa probinsya malayo kami sa among ama Ang Ina ko Ang parati namin kasama araw araw dahil mahalaga para sa aking Ina edukasyon tinatawid Ng aking Ina Ang dagat pakapasok lang kami sa paaralan tuwing umaga simula lines at biyernes.

Ang pasok Ng estudyante sa probinsya ay simula umaga at hapon Hindi ininda Ng aking Ina Ang lakas Ng alon,hangin,Ulan maitawid lang kami Ng ligtas maihatid at masundo sa hapon,kanya akoy lubos na nagpapasalamat na binigyan ako Ng magulang na may pagpapahalaga malasakit sa edukasyon para sa mga anak nya,salamat.

Maraming kabataan ngayon Ang Hindi nakakapasok sa paaralan,di marunong bumasa at sumulat dahil sa kulang Ng pag obliga Ng mga magulang nito Ang pagnanasa Ang napaka importante sa ating buhay ganun kahalaga para sa akin Ang pagbabasa tulad Ang Sabi Ng aking Ina(Aanhin mo Ang dami Ng pera Kung dika Naman marunong bumasa at sumulat pwede Kang lukuhin Ng iyong pinagkakatiwalaan di tulad Ng may Ron Kang kaalaman Hindi ka pwede lukuhin ninuman).

Edukasyon lang Ang pwede Kung ipamana Wala Ng iba!kaya pahalagahan Ang pag aaral tulad Ng pagpapahalaga ko sa inyo na mga anak ko(Sabi Ng Ina ko)totoo kahit San ka man magpunta dika maluluko Ng ibang tao.

Dapat nating malaman Ang kahalagahan Ng edukasyon!

Sa mundong Ito lalong nagiging komplikado Ang lahat,edukasyon Ang nagbibigay Ng pagkakataon para sa ating lahat upang madagdagan Ang ating mga kaalaman na naiimpluwensyahan Ang iba sa pagkamit Ng kanilang mga layunin.

Kailangan isulong natin Ang Edukasyon ikalat upang malaman Ng iba Ang halaga nito sa ating buhay,utusan Ang sarili sa pagkamit Ng kaalaman sa pamamagitan Ng pag aaral Ng ibat ibang kahulugan Ng edukasyon,turuan Ang bawat Isa na ipagkaloob ang pagtuturo sa bawat edukasyon,isulong Ang kapakanan nila tungkol sa halaga Ng edukasyon.

Edukasyon Ang ating sandata sa mundo na ating ginagalawan para makamit o mapasa atin Ang bawat katotohanan, kabutihan,katalinuhan,gamitin Ito sa pamumuhay natin araw araw upang maturuan Tayo Ng tamang disiplina at Kung ano pang pinakamainam para sa ating buhay.

Magandang Gabi bayan!!!!!!!!

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Mike305
4 years ago

Comments