Ang abaka ay Isa sa mga pangunahing sangkap Ng perang papel.Pero sa mga lugar Kung saan Inaani Ang mga abaca mailap Ang pera sa karamihan sa kanila.
Mahirap puntahan Ang baranggay dalagsaan libacao Aklan Kung saan din Inaani Ang mga abaca na pinagkukunan Ng hanap buhay Ng karamihan,may 13 ilog Ang tatawirin Bago marating Ang lugar.
Isa Ang Aklan sa pinakamalaking supplier Ng abaca sa pilipinas.Mahalaga Ang produkto dahil in export Ito sa ibang bansa para gawing pera,pero Ang realidad Ng mundo ,walang hawak na pera Ang mga taong nag aani rito.
Ang mahirap sa parte Ng pag aabaka ay Ang paglinis nito.pero dahil sa hirap Ng buhay Hindi na kailangan pang indahin Ang nakagisnang hanapbuhay Ang mahalaga may kunti pinagkakakitaan.
Sa isang linggong pag iipon Ng abaca fiver ay kailangan na Ito Ibenta para may maipambili Ng pagkain nila,pero bago mo maibenta Ang abaca sa bayan ay kinakailangan mo muna gumawa Ng balsa para maitawid Ang mga nagawang abaca at madla sa bayan.
Ang ilog na Ito Ang nag sisilbing kalsada Ng mga taga libacao Aklan upang maihatid Ang kanilang mga kalakal,Amin na oras Ang paglalakbay sa ilog bago marating Ang bayan Kung saan ibebenta Ang mga nagawang abaca.
Kung sipag Lang Ang basehan sa mundo siguro milyonaryo na Ang mga Tao sa libacao Aklan,Kung tibay Ng puso Lang Ang basehan Ng tagumpay marahil ay matagal Ng mabigyan Ng pugay.
Ang mapait na katutuhanan sa mundo ay mga negosyante Lang Ang umaasenso at Ang nag aani Ng abaca ay manatiling isang kahig isang tuka,sadyang mailap Ang pera kahit sila pa Ang nag aani Ng mga hibla Ng salapi.
Magandang Gabi Sana magustuhan nyo muli Ang aking artikulo lahat Ng Ito ay basi sa aking pagsasaliksik para malaman ko din Kung ano Ang halaga Ng produktong abaca at saan Ito ginagamit.Maraming salamat nawa'y pagpalain kayo Ng puong maykapal sa pagnanasa Ng aking artikulo.