Maayong Adlaw Cebu!!!
07.26.22
Sudden turn of events for past few weeks. Sudden change of plans and everyone in our family is hoping for the better days. Looking and waiting for something unexpected to happen..
Tagalog muna ako for today's bidjow. Update post lang muna ako dahil wala akong post for past couple of days.
Parang gusto ko na magtagalog muna sa mga susunod kong article kasi wala akong makausap masyado ng tagalog. Why? Because we travelled to Cebu.
Maayong adlaw mga cebuano jaaaaan!!
Wala akong masyadong posts again for the past few days. Mejo paiba iba pa kami ng plans lately because of what's happening. Mejo wala ding time para makapagpost ng content and mejo mas nag decrease and earnings ko dahil dun. Pero anywaaaaaay, konting chika muna tayooo.
Arrived
Nakarating kami dito sa Cebu last Friday. Originally plan namin na next month pa pumunta after masettle lahat ng kailangan namin. We took the plane para makatipid and mas mabilis dahil mahihiluhin nga din ako sa byahe. I'll share later on ang aming first time experience ni SassaGorl sa airplane.
Urgent support needed
Kinailangan namin magtravel ni to Cebu dahil nasa ICU ang mother-in-law ko. It was a sudden twist kasi akala namin is nagiging okay na sya since nahospital sya last January. Nainform kami na nagheart-failure and may other issues pa na nakita sa lungs dahil may asthma si MIL. Basically the doctor diagnosed her with Takotsubo Cardiomyopathy or Broken heart syndrome. She's in ICU since last week and bills are going up that we can't keep up.
I am asking for you help if you know any organizations na pwede namin malapitan financially.
For the meantime, dito muna kami sa Cebu dahil need ng support ni MIL. Navisit na namin sya sa ICU pero hindi pa allowed ang mga minors kaya di pa nya nakita ang apo nya sa amin.
We are not yet here for vacation
Kahit gustuhin naming maglibot, di pa namin kakayanin and konting araw lang ang meron ang asawa ko. Need nya bumalik sa Leyte for work again. For now, malaman lang ng MIL ko na ang buong family nya ay malapit lang para magfight din sya. We are all hoping for her fast recovery. Please do include my MIL to your prayers kasi di ako malakas kay You-Know-Who.
Constant worries
Since nasa side kami ng family ni husband, meron akong iilang inaalala or worries na di ko pa alam ano gagawin ko.
Pano ko madidisiplina ang anak ko sa harap ng sister inlaw ko. May fear talaga ako na baka ijudge nila ako dahil laking Manila ako or something, dahil nadin kasi hindi sanay si SassaGorl makipaglaro sa ibang bata. Madalas pa sya nangungurot at nakakahampas kapag frustrated sya.
Assistance. Dahil babalik ang asawa ko sa leyte, super minimal ang assistance ko, though andito ang mga pinsan nya na kahit papano ay pwedeng magbantay sa kanya.
Magbisaya. Marunong naman magtagalog ang sister-inlaw ko at ang mga anak nya pero englisero din kasi US citizen ang mga bata. Mejo mabagal nga lang sila magtagalog kaya I really need to adjust.
Impressions. Isang taon na kaming kasal ng asawa ko at ngayon ko lang nameet ang family nya in person and yes dahil sa COVID-19. Natatakot ako sa impressions nila sa akin at sa pagpapalaki ko sa anak namin. Nagworry lang ako lalo dahil, nabanggit ng FIL ko na maldita daw si SassaGorl dahil nanghahampas at nangungurot. Inexplain naman ng husband ko na hindi pa nga sya nakakapagsalita and bihira kasi sya magkaroon ng kalaro noon. One week every month lang kasi nagstay ang pamangkin ko noon sa amin. Since parehas pa silang toddler, nagaagawan pa sila sa toys and out of frustration nagtatapon sya ng gamit.
Ilang araw na naman ako nawala. Mejo need lang magadjust muna since ilang days pa lang kami dito sa Cebu. Need ko lang ng systema ulit para makapagpost ako ulit dito sa @Read.Cash.
Mejo nalate nako sa pagpopost ng articles at natambakan na. Wala din munang pictures for day hahahaha. I'll try to keep up again soon. For the meantime, waiting kami sa MILna makalabas na sana sy9a kahit sa ICUman lang.
We need your help goize, thank you sa magppray for my MIL.
heartsuuu
lead image from unplash.
closing banner from toonme.com
images posted are mine unless stated
all rights reserved. Micontingsabit
Aw. So sorry for that. Mahirap siguro kapag first time mo slang mameet may expectations talaga