"Death Sign"
Good day ako nga pala si Jess kumukuha ako ng kursong bachelor of Elementary Education 2nd year college na ko ngayon . So let start
Pagpasensyahan nyo na kung hindi ako gaano kaganda mag kwento pero isasalaysay ko ang aking karanasan na hanggang ay pinagsisihan ko pa rin.
When I was grade 10 naalala ko pa bago maganap ang cheer dance competition namin, so practice kami sa may malapit sa simbahan ng Risen Lord sa Valenzuela , habang pauwi na kami bandang hapon nagkwentuhan kami mag kaklase (tipikal na madadal ako) bigla kong naalala ung panaginip ko moths ago , sabi ko sa Isa kong kaklase na itago natin sa pangalang ryan.
"Ryan may napanaginipan ako mga ilang buwan na ang nakaraan may inililibing na hindi ko makita ang mukha at iniyakan namin" ang sagot lang nya sakin " kailangan mo malaman kung sino yon para mapigilan" ako Naman to sempre pinagsawalang bahala ko lang ang lahat hindi ko sya pinakinggan.
Hanggang sa nairaos na namin ung cheerdance namin di ako gumawa ng kahit anong tugon mula sa sinabi nya sakin,
Until one day rush na rush na ko non March 2019 yun nakalimutan ko na exact date pero tandaan ko pa rin ang pangyayare, madaling madali ako that time kasi late na ko sa ceremony namin tuwing Monday yon tapos moving up pa Naman practice pa, bawal malate sakto ung tito ko may motor itago na lang natin sa pangalang mcyuri isasabay na ko kasi papasok na rin sya work, edi inangkas nya ko larga kami, mabilis ang takbo namin tapos maya mya parang nagloloko ung motor nya muntik na kami bumangga sa poste ng meralco, naalala ko linggo yon March 2019 din pinapaayos nya ung motor nya sa kakilala nya 2nd hand lang din kasi ang motor nya, edi paandar ulit ng motor tapos binaba na ko ng tito ko sa cuevas lakarin ko na lang raw papuntang school kasi late na sya malapit na lang rin Naman.
Ff.
Isang umaga yon nagising ako nawirduhan na ko sa sarili ko pakiramdam ko may mamatay may mawawala ganon ung pakiramdam ko, pangalawang araw feeling ko ako ung mawawala, ikatatlong araw galing akong school tapos gustong gusto ko pumunta ng sementeryo kasi mahangin nagsinungaling pa ko sa mama ko na gagawa assignment sa kaklase ko para lang makapunta doon kaso etong si mama sabi pinapasama sakin ung tita ko edi no choice isinama ko, dumeretso kami ng sementeryo partida alas dos ng hapon yon. Kinabukasan sabi ko sa tita ko ta samahan mo ulit ako ha kasi ang lamig don sabi Naman ng tita ko nakakatakot ka naman as usual alas dos ng hapon hinahatak ako ng mga paa ko don " nang makarating kami doon napabigkas ako na buti pa sila tahimik na " BIGLANG HUMANGIN NG MALAKAS" edi si tita ko natakot na sabi nya sakin uwi na tayo sabi ko bat ka natatakot , edi umuwi na kami, kinausap ko rin tita ko na wag magsumbong Kay mama kung nagsinungaling ako para pumunta ng sementeryo. Sumangayon Naman ang tita ko
Ikalimang araw-
Inutusan ako ni mama na kumuha ng kutsilyo kasi may iluluto sya edi umakyat ako sa taas nila tito nakita ko sya nakahiga straight malapit sa pinto, bigla ko nasabi baka si tito ko ung mamatay, pero pinagsawalang bahala ko kasi baka mamaya magsabi ko sa iba sabihin nababaliw ako
Ikaanim na araw-
Nagulat ako kasi ung tito ko umuwi ang saya saya nya ( magkapit bahay po kami pinsan ni mama si tito ko ) binigyan pa nga nya kami ng empanada at nagluto sya ng SINIGANG na BANGUS edi ako sempre kinain ko yon, mga 10 ng gabi aakyat Sana ko sa kanila nakita ko sya nag rurubics binati ko sya hindi nya ko pinapansin masama ang tingin sakin .
March 30,2017
Nagulat ako bandang alas dos ng madaling araw yon may maingay sa kabilang bahay sa Bhay ng tito ko pumunta pala kapatid nya ang narinig ko lang ay " mama si kuya naaksidente "
Tapos ako sempre kala ko simple g aksidente lang natulog ako ulit
Mga bandang 5:30 ng umaga bumangon na ko para mag prepare para papasok sa school, naliligo ako non may bula pa ko sa ulo at katawan, Bigla dumating ang Lola, lolo ko at tita ko sabay sabing
" WALA NA RAW SI TITO KO" ako Naman Bigla ako napalabas ng cr nanghina ako
Doon ko napagtagpi tagpi lahat ng sign, feeling ko kasalanan ko hindi ako nagsalita, Sana nagkwento ako para maging babala at hindi na mangyare pa .
Napapaisip ako bakit ako? Bakit sakin binigay ung sign ?
Lesson:
Lagi nyo tatandaan na walang makakapagsabi kung hanggang kelan Tayo sa mundo, lagi tayong gagawa ng mabuti, MAHALIN natin ang ating mga Mahal sa buhay wag Tayo magaksaya ng panahon.
Palagi mag dasal.
Maraming salamat sa pag-basa kahit na mahaba, Sana kapulutan ito ng aral
-jess