single mom

0 6
Avatar for Mhona
Written by
4 years ago

isang dalagang ina at higit sa lahat isang sawi ..

*sawi sa pag.ibig

ako ay labing walong taong gulang nung unang umibig, nasa antas ako ng kolehiyo ng makilala ko ang lalaking ,ngpasaya sakin , ang unang lalaking minahal ko ,ang lalaking nangako na gagawin daw ang lahat, ang lalaking nangakong hindi ako iiwan at sasaktan..

tumagal ang aming relasyong ng isang taon ng minsan akong ngkamali..

ngkamaling isuko ang aking buong puso,isuko ang tanging kayamanang meron ako dahil sa mga pangakong lumalabas sa kanyang mabulaklak na bibig.. isang buwan ang nakalipas kinabahan ako na hndi ako dinatnan,

ang takot ko na lubos na ngpabago sa buhay ko,ang takot na kahit kelan hinding hindi ko na mababago at maibabalik pa..

nagbunga ang kapangahasan ko,sa murang edad nagdalang tao ako..

nagsama kami ng kasintahan ko dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko na huwag ako mapahiya sa lugar namin na maagang nabuntis at hndi pinanagutan..nahinto ako sa pag-aaral..

nagpatuloy ang pgsasama nmin hanggang sa nakapanganak ako☺

pero unti unti ngbabago ang kasintahan/kaLive-in ko nung nakapanganak ako.

namamasukan sya noon sa isang mall.. madalas na syang gabihin umuwi, minsan hndi sinasadya tumunog ang cellphone nya kaya nman agad ko itong tinignan,

isang mensahe ang nabasa ko na nagpatigil sa mundo ko "babe nasan ka na po,malapit naku sa meeting place natin,para sabay na pumasok! hihintayin kita bilisan mu babe I love you"

para akong sinampal ng paulit-ulit😥

natanong ko sa sarili ko "bakit? anong pagkukulang ko? saan ako ngkamali? mga katagang lumabas at tanong sa isipan ko.. bigla akong napaluha sa sakit. sa sakit na bakit kailangan ako paglaruan ng lalaking pinagkatiwalaan ko? ng lalaking minahal ko! nasaan ang lalaking nangako sakin na hndi ako sasaktan?

hndi ko sya kinakausap pgdating nya galing trabaho, ang tanong nya "my problema ba? bakit ang tahimik mo? ipaghain mo nga ako ng makakain nagugutom ako,dalian mo at pagod ako..

sinunod ko lahat ng utos nya ngunit hndi aki kumikibo..

hanggang sa ngsalita syang muli *hndi ka ba mgsasalita ? napakatahimik mo. parang walang tao dto at ako lang salita ng salita..

napaiyak ako sa mga sinasabi nya.

napakasakit na pinipilit kong ipakitang wala lng lahat..

ang tanging sinagot ko na lang pagod lng siguro ako sa pg aalaga sa anak natin..

ilang araw ang lumipas ,ilang araw akong ngpapanggap na ayos lng lahat.. hanggang napansin ng magulang ko ang hndi ko pg imik..

yumakap ako sa mama ko at humagulgol ng iyak ..

hndi ko napigilan ang sakit at luhang kinikimkim ko..

tinanong ako ng magulang ko kung bakit? ikwento ko lahat.. lahat ng hinanakit ko..lahat ng sakit na nararamdaman ko.. gumaan ang pakiramdam ko nung araw na yun.. ipinayo nila na kausapin q ang kasintahan ko tungkol sa problema..

gabi * dumating sya ,humingi ng pagkain at tubig.. sabi nya ilang araw ka ng walang imik? baka nman pwede mo ng sabhin sakin ang dahilan ng pananahimik mo, tutal hinayaan kita na mgsabi at hndi kinulit para malaman kung bkit ka ngkakaganyan..

ang nasabi ko na Lng *my pagkukulang ba ako para maghanap ka ng iba? hndi na ba sapat ang pgmamahal ko para pagtaksilan ako? anu pa bang kulang? lahat ng nais mo sinusunod ko pero bakit nghanap ka ng iba?

humalakhak lng sya ng malakas !

para akong sinaksak sa lakas ng tawa nya ng sabhin nya "nababaliw ka na ba? anong sinasabi mo jan na pinagtataksilan kita eh ngttrabaho ako ng maayos?

hndi ako ulit umimik dahil sa sakit na itinanggi nya ang pgtataksil nya sakin..

isang araw pinuntahan ko sya sa mall kung saan sya ngttrabaho at ipinagtanong kung cnu ang babaeng yun at anu relasyon nila ng kasintahan ko..

parepareho ang sagot ng mga katrabaho nila sa mall , na mgkasintahan nga dw cla ..

hndi ko napigil ang sarili kong sugurin cla sa canteen kung saan nakain cla ng sabay at ngsusubuan..

at sinabi ko sa kasintahan ko * yan pa ang sinasabi mong hndi mko pinagtataksilan? na ngttrabaho ka ng maayos?tama ba mga ginawa mo?

nakipaghiwalay ako sa kanya ng araw na yun, ngmamakaawa syang wag ko syang iwan..

umuwi ako ng bahay nmin at tinanggap ko ang kasawiang naranasan ko sa piling nya.

hndi natin deserve na saktan at tanggapin na lamang ang panlolokong ginagawa satin,my kasabihan nga ng kapag ayaw na sayo huwag mo ng ipilit.. para hndi Lalong masakit .. kung hndi para satin tanggapin at mg move on.. sadyang my mga tao kasing kahit minahal mo na ng sobra eh nagagawa pa din maghanap ng iba..

hndi mahalaga kung wala tayong kapareha sa buhay.. ang mas mahalaga nanjan ang anak natin ,kapiling natin, sila lang tanging kayaman natin na hndi natin maipagpapalit sa anung mang bagay..

anu ngayon kung isa kang single mom. lahat tayo ngkakamali, walang perpektong tao.. kahit hndi naging masaya ang buhay dahil sa kasawian sa pag-ibig.. bumangon tayong muli para sa anak natin. hanga ako sa mga single mom na kagaya ko.. na hahamakin ang lahat mabuhay lng ang anak nila ☺

hndi natin kasalanan ang maging isang dalagang ina , ang naging kasalanan natin ay ang ngmahal at ngtiwala tayo sa mga taong hndi marunong mgpahalaga ng damdamin natin mga kababaihan 🙂

1
$ 0.00
Avatar for Mhona
Written by
4 years ago

Comments