Chinito

0 2

Singkit man ang iyong mga mata, Sa iyong paningin ako'y laging nakikita. At sa iyong ngiti mata mo ay nawawala, Hatid nito sa puso ko ay sobrang saya.

Kutis ko man ay kayumanggi, Ako nama'y iyong tinatangi. Magkaiba man ang ating lahi, Pag-ibig ko sayo'y di mapapawi.

Marahil sila ma'y tutol sa atin, Halika Mahal, ito'y ipaglaban natin. Kung ito ma'y DESTINY kung tawagin, Panalangin ko sa Diyos na ika'y maging akin.

2
$ 0.00

Comments