THE GIRL WHO WANTS TO BE GONE
This story is fiction only. Any names, places and time are purely imagination of the author.
UMPISA
May mga pagkakataon na parang gusto mo ng sumuko sa buhay, na gusto mong isipin na ang sarap lang malagutan na lang ng hininga kase pagkatapos noon, wala ka ng mararamdaman pa. Hindi ka na mahihirapan pa. Hindi ka na magaalala para bukas. Wala ka ng susunod na iisipin pa. Siguro sasabihin ng iba na sobrang liit lang ng problema, na madali lang sulosyunan. Pero gaano man kaliit ang mga alalahanin ko, iba ‘yon sa kung paano ang alalahanin ng iba. Hindi ko alam paano nagumpisa ang lahat pero siguro kung babalikan ko sa pagkabata ko iyon yung magiging dahilan. O iyon ang puno ng lahat, kung hangang saan ang dulo hindi ko alam.
Sabi nila upang mawala ang lahat kailangan nating putulin ang puno para hindi na ito mamunga. Ngunit, magkaiba ang puno sa buhay ng tao, para maputol ko ang lahat ng dahilan kung paano ako napadpad dito, kailangang balikan ko bawat maliit na detalye kung saan at paano nahubog ang aking kaisipan. Kung paano ko inisip bawat desisyon ko sa buhay. Paanong dapat patunayan ko sa sarili ko na ang landas na tinahak ko ay ayon sa aking kagustuhan at hindi dahil ito ang mas magandang desisyon para magkaroon ako ng mas magandang kinabukasan. Sisimulan ko ito ayon sa kung paano ko naaalala ang bawat parte.
Apat na taong gulang ako nung magsimula akong pumasok sa elementarya, kinder, sa unang araw ng pasok ko maraming mga bata akong kasabay, pumapalangat ng iyak, takot maiwan ng nanay, ako hinatid ako ni mama sa classroom, tinanong niya ako kung okay lang daw ba na hindi na siya maghintay kase, strong na daw ako, mayroong susundo sa akin at kaklase ko naman din ang mga pinsan ko, sabi ko opo malakas ako mama, mabilis lang din niya ko iniwan kase madami pa silang gagawin ni papa para magkaroon kami ng kakainin. Tinatawanan ko pa noon ang mga kasabayan kong mga bata kung paanong bakit takot silang maiwan? Marami naman kami at hindi naman kami mapapahamak. Ngayon ko umpisang nalaman na hindi lahat ng oras ligtas ka kahit napapalibutan ka ng maraming tao.
Habang binabalikan ko ang mga ito, napapaisip ako sa aking sarili, ako ba ito dati? Sigurado ako na ang natutunan ko noon, ang maging matapang, ang hindi umasa sa iba. Dahil ayon sa aking mga magulang malakas ako. At iyon marahil ang umpisa kung bakit sa paningin nila malakas ako at hindi makakaisip na sumuko. Kung ako ang tatanungin ganoon din ang aking sasabihin. Maling akala. Doon lahat naguumpisa.
Ako nga pala ang babaeng magpapabago ng imahinasyon mo sa buhay gugulo sa pagkatao mo at wawasak ng paniniwala na ang mundo, hindi magdedepende kung sa paano mo ito tingnan, kase kapag namulat ka na kasalanan na ang pumikit.
Hi Mayzee, is this girl really missing? If that girl really disappears, you have to give chase