Ika- animnapung kaarawan ng Aming Ina

0 53
Avatar for MesesMylen
3 years ago
Sponsors of MesesMylen
empty
empty
empty

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay maituturing na biyaya mula sa Diyos. Ito ay isang pasasalamat sa isa na naming taon ng ating buhay. Ito ay ipinagdiriwang sa iba’t -ibang uri ng pamamaraan. May mga tao na sadyang pinaghahandaan ang araw na ito kung kaya’t nakapagluluto sila ng marami at masasarap na pagkain, may iba naman na sadyang kahit anong pilt na mag- ipon para may mailuto sa kanyang kaarawan ay hindi makaipon sapagkat sapat lang o kung minsan nga ay kulang pa sa gatos sa pang- araw- araw ang kanyang kinita, may iba rin na nagpupunta sa simbahan upang magtirik ng kandila, magdasal at magpasalamat. Anumang paraan ang ating gawin, ito ay madalas na ayon sa ating kakayahan o mga bagay na nakagisnan. Sa kahit ano mang kaparaanan natin ito ipagdiwang, nangangahulugan pa rin ito ng pasasalamat.

Ang aking ina ay matagal ng balo. Namuhay siya kasama ang aking dalawang kapatid, ang bunso sa mga babae na dalaga na at mayroon naming permanenting trabaho sa isang kompanya ng elektroniks, at ang pinakabunso naman sa aming lahat, binata at kakasimula pa lamang sa trabaho sa isa ding pabrika. Anim kaming magkakapatid at kaming apat ay namumuhay kasama ang aming mga sariling pamilya.

Noong sasapit na ang ika- animnapung kaarawan ng aming ina, napagkasunduan naming magkakapatid sampu ng aming mga asawa na bigyan ng isang simpleng sorpresa ang aming ina. Upang hindi malaman ang aming plano, palihim kaming nagtatawagan tungkol sa aming binabalak. Magkakalayo kami ng lugar at tinitirhan. Mayroon sa Quezon, Santo Tomas, Batangas at Rizal. Dahil dalawa sa amin ang sa Quezon namamalagi, napagkasunduan naming na doon na lamang gawin ang selebrasyon.

Isang araw bago ang kanyang kaarawan ay umuwi na kaming mag- anak sa Quezon (kami ang nakatira ditto sa Rizal). Tulong tulong kami paghahanda at paggagayak ng mga bagay na kakailanganin namin. Bumili kami ng lobo, bouquet ng bulaklak, give aways at syempre cake. Hindi naman kami nagluto sapagkat napagkasunduan naming na sa isang floating restaurant na lang ganapin lahat.

Sapagkat parehong sa Batangas naninirahan ang nanay at dalawa kong kapatid pati na rin ang isa ko pa’ng kapatid na may pamilya na (bagaman at medyo magkalayo ang lugar), pinapunta ng kapatid kong may asawa na ang nanay ko sa kanila at ng mismong kaarawan ay maaga silang umuwi sa Quezon, hindi man alam ng nanay naming ang plano ay sumama sya pasakay ng bus. Nang medyo malayo na ang natatakbo ng sasakyan ay napagtanto niya na pauwi pala sila sa Quezon.

Habang nasa biyahe sila at nagkukuwentuhan, sabi daw ng nanay ko ay naku, hindi natin makakasama ang pamilya ng ate ninyo (kami ang tinutukoy, sapagkat medyo malayo ang aming lugar. Lingid sa kanyang kaalaman na kahapon pa kami nakarating doon. Maaga naman kaming pumunta sa restaurant at ginayakan naming ang kubo na aming napili, kubo- kubo kasi ang tema ng ng restaurant na iyon na nakalutang sa man- made na anyong tubig. Doon sila dumiretso at pagbaba nila sa sasakyan ay sobra ang gulat ng nanay ko ng makitang kumpleto kaming lahat. Napaluha siya sa sobrang tuwa.

Simple lang naman ang naganap na selebrasyon. Iniabot sa kanya ang bulaklak at mga regalo, hinipan ang kandila sa cake kasabay ang kanyang hiling. Nagpaluto kami doon ng pritong tilapia, sweet and sour fish, sinigang na hipon, ginataang tilapia, litsong manok at syempre may kaunting inuman. Nagging napakasaya ng araw na iyon para sa aming lahat. Hindi man sobrang bongga ang handaan, ang mahalaga ay naipadama namin sa aming nanay ang pagmamahal naming sa kanya at nagkaroon kami ng pagkakataon na magka- sama- sama at magtipon na bihira lamang mangyari. Lahat kami ay umuwi ng masaya at kuntento.

Nakalulungkot lamang na dahil sa pandemya na kinahaharap ng ating mundo ay hindi na maari ang mga ganitong klaseng selebrasyon. Ilang taon na rin mula ng maganap ang selebrasyong ito, ngunit ang saya na aming nadama ay nananatili sa aming mga puso.

1
$ 0.51
$ 0.51 from @TheRandomRewarder
Avatar for MesesMylen
3 years ago

Comments