"Red Days"

0 14

Swerte ng mga lalaki ndi nila nararanasan ang nararanasan namin buwan buwan.

Buwan buwan kaming mga babae nakakaranas ng kakaibang sakit. Sakit na ndi maipaliwanag. Sakit na halos mapaiyak kana talaga. Hindi po ito biro, kung ung iba sinasabing "oa" pwes ndi po. Siguro oa ung mga babaeng kapag may dalaw eh magpapabili ng kung ano ano sa mga bf nila pero kung umiiyak man, halos ndi makakilos, namimilipit sa sakit ndi po un ka-oa-an kundi realtalk po un.

Swertahan kapag inaabot lang ang babae ng tatlong araw pero kadalasan talaga pitong araw. Imagine pitong araw kang ndi makakilos ng maayos dahil baka makatagos ka specially pag una at pangalawang araw mo talagang buhos eh.

Bawal pa kumain ng maasim, uminom ng malamig. Yang time pa naman na yan masarap kumain at uminom ng bawal.

Ndi maganda sa pakiramdam ang may dalaw lalo na kung nakanapkin ka. Nakakairita! Minsan tabingi, madalas mabilis mapuno, kapag hihiga bawal nakatihaya dahil baka tumagos, minsan makati pa napkin.

Imagine nyo po mga nararanasan naming mga babae buwan buwan.

Hindi man masarap sa feeling ang may dalaw pero pag nawala yan mas ndi masarap sa feeling ang sermon ng tatay.

❗jhoy❗

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments