Payag Ka Ba Sa Online Classes?

1 189

Kung ikaw ang tatanungin, payag ka ba sa online classes?

Eto po ang opinion ko para dito. Para sakin maganda naman sana ang online classes pero ang tanong totoo bang may matututunan sila? Paano ang mga walang pampibili ng cellphone o laptop para makaattend ng online classes?

Pag online classes sa chat lang nakakapagusap. Sa chat lang natuturo ng guro ang lessons. Paano kung habang nagoonline classes ndi naman pala nagbabasa ang bata kundi naglalaro lang. Alam pa ba ng guro un? Pagdating naman ng examination ndi naman nakikita ng guro kung kumukuha na ba ng sagot ang estudyante sa google o dictionary o kahit ano pang website jan. May natutunan kaya sila? Ipagpalagay na natin na meron nga pero iilan lang.

Doon naman tayo sa pagbili ng cellphone o laptop. Paano naman ang mga kapos o hirap humanap ng pera. Wala na silang makain, uunahin pa ba nilang ibili ang kanilang mga anak ng cellphone? O kung wala namang pambili wag nalang umattend ng online classes? Pabor lang ba iyon sa may kaya? Di ba unfair? Kahit gusto nilang umattend ng online classes dahil gusto nilang matuto pero paano kung wala naman silang pambili.

Hindi ko po sinasabing tutol ako sa online classes dahil masyado nga naman pong risky ang papasukin ang mga anak sa paaralan. Gusto ko lang pong ibigay ang opinion ko tungkol dito. Wala po akong sinasabing wag ituloy ang online classes, gusto ko lang pong sabihin na bigyan po ng considerasyon ang mga ndi afford bumili ng gagamitin. Alam ko po may maiisip kayong paraan para dito.

❗jhoy❗

1
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

Tama ka, hindi afford nang lahat ang online classes dahil ang iba walang sapat na kagamitan para dito. But, I believe there are other options naman, kagaya nang modular, through tv and radio. I don't know how the exact process works pero sa tingin ko naman DepEd has come up with different ways to make sure the students can still continue their studies pero yon nga lang, quality wise, siguro hindi na rin matutokan ang lessons nila. Extra effort to the parents nalang. Make sure nila na nag-aaral talaga mga anak nila.😊 Good morning

$ 0.00
4 years ago