"Pangako"

6 24

Pangako mong napako

Bigla nalang naglaho

Dahil ika'y nagbago

At biglang nagloko.

Pangako mong walang iwanan

Na tayo na hanggang sa dulo ng walang hanggan

Pero bakit ka lumisan

At ako'y iniwang luhaan.

Masaya ka ba sa nangyari?

Pag-iwang walang pasabi

Ikaw ba'y nagsisisi?

Na ako'y hindi pinili?

Pangako mong pinanghahawakan

Pero ngayon itoy akin nang papakawalan

Dahil sa ginawa mong pag-iwan

Nang walang dahilan!

Pangako mo'y tuluyan ng bibitawan

Sapagka't wala na akong pakialam

Sa tulad mong sakit lang ang pinaramdam

Sa tulad kong nagmahal sayo ng lubusan!

❗jhoy❗

3
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

habang binabasa ko , pakiramdam ko kumanta nako , hinahanap magadang tono 😅

$ 0.00
4 years ago

hahahahaha pati tuloy ako napakanta nung binasa ko

$ 0.00
4 years ago

alam mo ba inulit kupa, yun talaga eh 😂

$ 0.00
4 years ago

😂😂😂

$ 0.00
4 years ago

oo nga poh,sana magawan ng tono maganda yung rhyme niya,naalala ko tuloy nung high school days teacher ko sa filipino na mahilig magpaagawa ng mga tula samin with rhymes sa dulo like,AAAA or AABB

$ 0.00
4 years ago

Hehehehe maganda kasi sa tula pag nakarhyme sa dulo

$ 0.00
4 years ago