Alam ko marami sa atin ang naaaddict sa pagbabasa ng wattpad. Ano nga ba ang meron dito at bakit mapalalaki o babae man nagbabasa ng ganito?
Para sa akin ang pagbabasa ng wattpad story ay hindi lang aksaya ng oras.
Syempre meron itong advantages o disadvantages na kung tawagin!
Ano-ano nga ba ang advantages o magandang naidudulot ng wattpad stories:
Una- lumalawak ang ating imahinasyon. Oo! Lumalawak ito. Pansin nyo ba na kapag tayo ang nagbabasa ng kahit anong storya, naiimagine natin ang mga nangyayari. May pumapasok sa isip natin na mga imahe na tumutugma sa kwentong ating binabasa.
Pangalawa- nahahasa ang ating isipan.
Pangatlo- natututo tayo ng mga ibang lenggwahe tulad ng english.
Pang-apat- mas nakakapagbigay tayo ng magandang advice sa tao dahil sa ating binabasa. Binabase natin ang ating mga nababasa sa totoong buhay.
Punta naman tayo sa disadvantages o masamang naidudulot nito:
Una na rin yan ang paglalaan ng mas maraming oras sa pagbabasa kesa sa ibang bagay. Hindi na natin nagagawa ang gawaing bahay dahil tutok tayo dito at ayaw natin maistorbo o ihinto dahil mas nagiging exciting na ang kwento.
Pangalawa- lagi tayong puyat. Hindi kasi natin matigilan eh, sabi tayo ng sabi na last chapter na hanggang sa ndi na natin namamalayan ang oras.
Pangatlo- nakakasira ito ng mata. Nakakalabo rin ang pagbabasa lalo na kung araw araw puro nalang ito ang inaatupag mo.
Sabi nga nila ang lahat ng sobra ay nakakasama.
Nagbabasa lang naman ako para magliwaliw. Magpalipas ng oras pero ndi lagi lagi.
❗jhoy❗