Online Business.

0 23

Dahil nga nakaquarantine tayo at hindi makalabas para magtrabaho, maraming online business na naglipana.

May online business na pinopost mga paninda sa social media. Sobrang dami iba iba price, may mura may mahal. May mga nakikipagcompetensya, may magaling magsales talk makabenta lang.

Meron din namang online business na may puhunan. Free data lang sapat na! Sagot sagot lang ng mga tanong, magtatype ng captcha, magcocompute ng math problems. Eto ang online business sa messenger bot.

Meron ding online business na walang puhunan, tipong umaasa lang tayo sa salitang "FREE" na kahit maliit kita basta walang nilalabas na pera. Tayo kasing mga pilipino takot maguyo o mascam. Sa panahon kasi ngayon naglipana ang mga scammer na walang ginawa kundi manloko ng kapwa kaya para ndi maloko doon tayo sa free!

At syempre ang huli ay ang e-loading business na kung saan iaactivate ang iyong sim card para makapagload ka sa inyong barangay.

Maliit man o malaking tubo ang importante tayo ay madiskarte lalo na ngayong sakuna. Wag tayong manlamang o manloko ng kapwa dahil lahat tayo nangangailangan, lahat tayo naghihirap. Para-paraan nalang kung paano mairaraos ang buhay ngayon.

Para sa mga scammer! Hindi nyo ikakayaman yang ginagawa nyo. Dinadagdagan nyo lang ang kasalanan niyo. Kung gusto nyong magkaroon ng pera panggastos sa araw-araw, gumawa kayo ng paraan. Humanap kayo ng pagkakakitaan ng marangal. Wag abuso sa kapwa dahil lahat ng ginagawa mo, babalik at babalik sayo. Nanjan lang si karma laging handa!

❗jhoy❗

1
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments