"Maganda Ka. Be Proud"

0 7

Opo! Hindi ako kasing kinis ng iba. Kasing flawless nila. Pero kuntento ako! Proud ako sa kung ano ako ngayon. Proud ako sa binigay sakin dahil alam ko kahit anong itsura ko, kahit ndi ako makinis MAGANDA ako!

Marami tayong insecurities sa katawan kesyo buti pa sya clearskin, buti pa sya makinis, buti pa sya maputi, buti pa sya maganda pero alam nyo bang mali yan! Wag tayong mainggit dahil ndi tayo ganon sa kanila. May kanya kanya tayong ganda dahil naniniwala ako na walang pinanganak na pangit.

Kung ikaw ay may busilak na puso maganda ka. Wala yan sa physical na anyo kundi nasa puso natin. Magmalasakit at tumulong tayo sa kapwa doon palang maganda kana.

Marami akong kakilala na ndi rin makinis, maputi at flawless pero hinahangaan sila ng iba. Sila kasi ung taong kayang ipagmalaki ang kanilang sarili. Ung taong ndi nahihiya. Hindi sila naiinggit.

Wag mong kainggitan ang iba na hihilingin mong maging sila. Wag kang magpalamon sa inggit dahil unique ka. Kung marami ka mang tigyawat sa mukha, kung ndi ka man flawless, kung ndi ka maputi so what? Dapat taas noo ka pa rin, chin up. Walk like a beauty queen because you are beauty queen in your own world.

Ipangalandakan mo sa mundo na maganda ka, wag kang mahiya dahil kahit ganyan ka marami pa ring nakakaappreciate sayo. Be confident! Be yourself! Maganda ka. Be proud!

❗jhoy❗

2
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments