How I Wish 💫

2 9

Sana maging bata ulit ako. Batang musmos at walang kamuwang muwang sa mundo. Walang mabigat na problemang kinahaharap. Puro saya lang lagi.

Ngayon puro problema nalang ang iniisip, maging masaya ka man pero kasunod ay lungkot.

Sana maging bata ulit ako. Batang malayang gawin lahat na ndi jinajudge ng tao dahil nga wala pang isip. Magkamali man ayos lang dahil nga bata ka pa, ndi mo pa alam ang iyong ginagawa.

Ngayong malaki na kapag nakagawa ng maling bagay ijajudge ka agad without knowing the real story and reason behind it.

Sana maging bata nalang ulit. Batang puro laro lang ang alam.

Ngayong malaki na ikaw na ang pinaglalaruan.

Gusto ko pero malabo. Walang permanente sa mundo. Walang mananatili habang buhay. Lahat nagbabago.

Isisilang ka at tatanda sa paglipas ng panahon. Hindi pwedeng maging bata kana lang habang buhay.

HOW I WISH 😪

❗jhoy❗

3
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

Hahaha pwedi naman mag bata bataan po Hahaha

$ 0.00
3 years ago

ganyan din ako minsan kapag sobrang stress sa problema,gusto kong bumalik sa pagkabata..hahhaa pero sabi nga nila hindi ka magiging matatag kung tatakasan mo ang problema kaya dapat harapin mo..no choice din kasi kahit hilingin mong bumalik sa pagkabata hindi naman na mangyayari hahaha😅😅 😅

$ 0.00
3 years ago