Ang tao kapag sobrang galit ang nararamdaman nakakagawa talaga ng bagay na padalos dalos at ndi na napagiisipan ng maayos na pagsisisihan sa huli.
Sabi nga nila kapag tayo'y galit ang isip natin ndi gumagana dahil ang emotion nalang ang pinapairal kaya nakakapagbitaw tayo ng salita na ndi kaaya-aya.
Bago gumawa o magbitaw ng desisyon dapat kalma na ang kalooban at napag-isipan na ng maayos ang hakbang na gagawin para sa huli walang pagsisisi.
Walang naidudulot na maganda sa atin ang galit bagkus mas lalo tayong nagkakasala dahil dito kaya lagi nating pakatatandaan na ang pagiging padalos dalos sa paggawa ng desisyon ay walang magandang kalalabasan. Isiping mabuti bago gumawa ng hakbang nang sa ganon sa huli wala kang pagsisisihan.
❗jhoy❗
May mga pagkakataon na sobrang galit ko din, nakakapagsabi ako ng mga bagay na sana di ko nalanv sinabi