Akala ng iba hindi ito totoo, akala nila lahat ng nakakaranas nito ay nagloloko pero di nyo ba alam na ang sakit na ito ay nararanasan ng tao na kung ndi naagapan ay pwede nyang ikamatay ito.
Ano nga ba ang sanhi ng depresyon at bakit may mga taong nakakaranas ng ganito.
Una. Sa pamilya! Problema sa pamilya. Common na dahilan. Kung ikaw ay galing sa magulong pamilya parang pasan mo na ang mundo. Sirang pamilya ay hindi madaling kaharapin dahil dadalhin mo ito hanggat pagtanda mo.
Inggit! Mararamdaman mo yan kung makakakita ka ng buong pamilya at sila'y masaya. Mapapatanong kana lang anong nangyari sa amin, bakit ndi kami buo bakit ndi kami masaya. Hanggang sa dumating na sa punto na sobrang dami mo ng maiisip tungkol sa pamilya.
Pangalawa. Sa paaralan! Takot kang bumagsak sa school lalo na kung sobrang laki ng inaasahan ng magulang mo mula sa iyo. Gagawin mo lahat para hindi mo sila mabigo kaya puspusan ang iyong pagaaral, tipong napapabayaan mo na ang iyong sarili AT kung ikaw ay nagfailed dito na papasok ang maraming katanungan lalo na kung kinukumpara ka pa ng iyong magulang sa iba. Isang pagkakamali lang pero parang nakakawalang gana kana sa paningin nila. Meron pa yung ginagawa mo naman lahat pero ndi pa rin sapat! Hindi sila kuntento sa kung ano lamang ang kaya mo, lagi kang napapagalitan kasi ndi mo maabot ang nais nilang grado. Mapapaisip ka! Marami kang maiisip tulad ng bakit hindi nila kayang tanggapin lahat ng sakripisyo mo, lagi nalang akong wala lang sa paningin nila, lagi nalang akong kinukumpara na buti pa si ganito first honor. Masakit!
Pangatlo. Sa pagibig! Kung ikaw ay pinagpalit ng iyong karelasyon sa iba. Ang rason hindi ka sapat, hindi na sya masaya, mas mahal nya si ganito. Di ba masakit kasi kahit anong gawin mo hindi ka magiging sapat sa ibang tao, kahit magpakatotoo ka hindi ka pa rin makikita. Hindi nila makita ang halaga mo, hindi sila kuntento sa kung anong kaya mo.
Pang-apat. Maraming masasakit na salita! Halos lahat na ata narinig mo na, nasabi na sayo. Yung paulit ulit nalang na naririnig mo, tipong tumatak na sa puso't isipan mo. Bobo, tanga, palamunin, walang silbi, peste, hayop, demonyo at marami pang masasakit na salita. Tanggap ka nalang ng tanggap hanggang sa masanay kana, hanggang sa mamanhid kana, hanggang sa parang wala nalang lahat ng sinasabi, hanggang sa tanggap mo na ngang ganon ka, hanggang sa hindi mo na kaya, hanggang sa maisip mong ayaw mo na, hanggang sa hilingin mo nalang na mawala!
Maraming pang dahilan kung bakit nadedepress ang isang tao, sa sobrang daming dahilan pag nagsasama para kang mababaliw. Parang gustong sumabog ng utak mo. Maraming tumatakbo sa isip mo na maiisip mo nalang ayaw mo na, gusto mo ng matapos lahat para tapos na malaya kana sa lahat ng sakit.
Kaya kung may kakilala kang nagsasuffer neto, kausapin mo. Ipakita mong nanjan ka para damayan sila at hindi sila nag-iisa dahil ang depresyon ay hindi biro.
❗Jhoy❗
Kelangan nating tulungan ang mga taong nakararanas ng ganyan depresyon.. Mahirap ang ganyan,, kelangan niya ng taong sususporta sa kanya.. Magbibigay ng advice sa kanya at dapat may kasamang pagmamahal.