Broken Family!

0 7

Lumaki akong ndi kami buo! Lumaki akong papa ko lang ang nasa tabi ko! Lumaki akong halos ndi kasama ang aking ina! Tumanda na ako ganon pa rin ang sitwasyon.

Nagsimula ang lahat noong ako ay pitong taong gulang pa lamang. Nasa malayo si mama para magtrabaho, kaya kay papa kami naiwan. Sa murang edad ko na iyon alam ko ng may mali sa pagsasama nila. Umuwi si mama noong may nangyari kay papa doon na, doon na nagsimula ang lahat. Ramdam ko! Ramdam kong nagiba pero ndi ako nagsalita. Hanggang sa ang aking ina ay nagpasyang magtrabaho ulit doon na sya nakahanap ng bago.

Dinamdam ko lalo na nung ako nalang ang ndi pa nakakaalam na mayroon na syang iba. Akala ko may pagasa pa na mabuo kami ulit pero wala na talaga.

Birthdays, christmas, new year na ndi na kami buo. Maraming taon na. Graduation ko ndi sila nagpapansinan, grumaduate kaming dalawa ni kuya si mama lang nakimartsa para sa amin. Nakakainggit!

Ang hirap maging broken family pero ngayon tanggap ko na dahil wala naman na akong magagawa!

❗jhoy❗

2
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments