Ano man ang katayuan o estado natin sa buhay. Mayaman ka man o mahirap lagi mong iisipin na iisa lang ang patutunguhan natin.
Umangat lang ang estado sa buhay naging matapobre na, akala mo ndi nanggaling sa hirap kung umasta at yumurak ng kapwa. Once in your life naging mahirap ka rin, dinanas mo rin ang mga dinaranas ng mga mahihirap ngayon.
Umangat ka lang sa buhay ndi mo na kilala mga taong tumulong sayo noong walang wala ka. Hindi kana namamansin dahil mayaman kana. Ayaw mo ng makihalubilo sa kanila dahil ayaw mong marumihan ang iyong magagara at mamahaling gamit.
Tandaan ndi mo madadala sa hukay lahat ng kayamanan mo kaya habang buhay ka pa share your blessings to someone who's badly need it. Kung yumaman ka man still be humble. Dapat matuto tayong lumingon kung saan tayo nanggaling.
Always put your feet on the ground. Wag magmataas bagkus tumulong ka, use your money to help the poor dahil mas pinagpapala ang taong kayang tumuling sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.
Wag matapobre dahil naging mahirap ka rin!
❗jhoy❗
You must give, forgive and be HUMBLE!