Isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay ay ang magkaroon ng supling. Ibang galak ang dala nila para sa atin. Maraming mahihirap na pagsubok ang pagdadaanan pero lahat ng yan nawawala makita mo lang ang iyong anghel.
Anghel kung maituturing ang mga bata dahil sila ay napakamasayahin, busilak ang puso at wala pang kamuwang muwang sa mundo, hindi pa alam ang salitang kasalanan.
Para sa ating mga magulang, kahit anong pagod o hirap man yan basta para sa anak kakayanin lahat. Isang ngiti lang ng anak tanggal lahat. Isang yakap o halik gumiginhawa ang pakiramdam. Ganyan ang naibibigay ng isang supling kaya marami sa atin ang naghahangad na mabiyayaan ng anak.
Totoo pala ang sabi-sabi na lahat gagawin ng magulang para sa anak. Hindi kayang tiisin ng magulang ang anak. Lahat ibibigay basta kaya para sa kasiyahan ng anak.
Ang sarap magkaroon ng munting anghel kahit gaano pa sila kapasaway mula bata hanggang pagtanda, kahit lagi silang sakit sa ulo. Hindi pa rin matatawaran ang sayang dulot nila.
❗jhoy❗