Ang aking hipag. Bow!

0 22

Meron akong hipag na ubod ng ganda, ubod ng sipag, mapagbigay, sobrang bait, mapalinis, ndi nananakit ng asawa, ndi sakim, ndi mapang-abuso, ndi maarte, sobrang matipid sa pera PERO kabaliktaran po lahat ng yan.

Ang aking hipag ay napakatamad. Kuya ko nagluluto ng ulam nya, nagsasandok ng kanin, nagaabot ng tubig kulang nalang pagnguya at paglunod kuya ko na rin gumawa. Sa paglalaba linggo na nga lang ang walang pasok ng kuya ko pero sya pa rin naglalaba, anong ginagawa ng magaling kong hipag? Ayon pinapanuod lang sya.

Ang aking hipag ay ubod ng damot. Itatago pa pag may pagkain sila. Kakainin kapag tulog na lahat o kakainin sa loob ng kwarto. Kahit kumakain sila di ka nila tatawagin hahaha! Kahit papa ko pinagdadamutan nila pero pag wala silang pera sige hingi sa kanya.

Ang aking hipag sobrang dugyot. Maglalaba ng damit nila minsan na nga lang ang dumi pa. Wala pa yatang 15mins tapos na sya. Realtalk!

Ang aking hipag laging sinasaktan kuya ko. Sabunot doon, suntok dito, tadyak doon, pingot sa ilong dito kahit maraming tao ginagawa nya un sa kuya ko.

Ang aking hipag ay maarte akala mo prinsesa. Ayaw magulam ng munggo, ampalaya, bangus akala mo mayaman. Taghirap ngayon dapat kung anong meron kainin nya.

Ang aking hipag ay gastadera. Araw araw nagmemeryenda yan. Panay load din pangtawag, pangtiktok. Dapat lagi yang may kinakain. Ipapadala pa nya sa anak nya pera na kinikita ng kuya ko (ndi anak un ng kuya ko)

Inaabuso nya kuya ko! Kuya ko nagpapakahirap magpahinante para lang may pera sila pero sobra sya. Sarili lang nya iniisip nya! Sya nandito lang sa bahay kain cellphone gala lang ginagawa nya!

Oo alam kung mali na siraan ko sya pero punong puno na po talaga ako! Gusto ko lang ilabas dahil di ko naman masabi sa kuya ko baka magaway pa kami.

Di nga namin alam bakit nagpapakatanga sya sa babaeng yan eh. Marami namang iba jan, ung pagsisilbihan sya ndi ung inaalila sya.

Wag nyo akong ijudge alam ko marami tayong may ganitong karanasan. Alam ko kapag ganito rin magiging hipag nyo baka itakwil nyo nalang or pauwiin sa kanila.

❗jhoy❗

1
$ 0.00
Sponsors of Merryjoy
empty
empty
empty

Comments

hahahaha nakakatawa to buti na lang wala pa kong hipag 😂

$ 0.00
3 years ago

Hahhhaha soon

$ 0.00
3 years ago

Yung akin mabait naman kaso may ugali din minsan hehehehe.

$ 0.00
3 years ago

Alisan mo NG helmet ang kuya mo para matauhan pag nauntog Yan goodluck girl

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha nkkapanggigil nmm Yung gnyan. Pg ganyang hipag ko inaway ko na Yan. Kpal nmn mg mukha nun

$ 0.00
3 years ago

Minsan un mga hipag din may mga tupak hahha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha. True beb!! ganyan din ang hipag ko akala mo kung sinong mayaman makaasta din dito sa bahay nagbabayad din naman ako ng upa pati kilos mo bilang haysss !! Oh sya beb Bago lang ako dito sa readcash pwede po bang mgpa Support at payakap po sa Buhay Bahaghari salamat ng marami support support lang guys! 😊

$ 0.00
3 years ago

Buti Yung hipag ko subrang bait sya Ang nagluto subrang maasikaso pero Yung mga ganyan nakakagigil pag silbihan.

$ 0.00
3 years ago

ibenta or ipakidnap nalang naten ang hipag mong ubod ng ganda, ubod ng sipag, ubod ng seksi, ubod ng tahimik hahaha

$ 0.00
3 years ago

Sarap naman ibitay patiwarik hipag nyo dapat siya makisama kasi sya Ang bagong salta sa pamilya nyo hehe .

$ 0.00
3 years ago