Hindi ko nilalahat. Wala akong pinapatamaan. Gusto ko lang ibigay ang opinion ko.
Abusing the poor? Hindi porket may kaya ka sa buhay hahamakin mo na ang mga maralita. Hindi porket nabibili mo lahat ng gusto mo eh kaya mo na ring bilhin pati ang mga tao. Hindi porket sunod lahat ng luho mo eh manlalait kana ng kapwa mo. HINDI PORKET MAYAMAN KA, NIRURUYAKAN MO NA ANG MGA MAHIHIRAP.
Hindi ko nilalahat pero maraming ganito. Mga taong akala mo kung sino dahil lang maraming datong. Mayayabang dahil mapera. Okay lang gumawa ng kalokohan kasi kaya namang lusutan.
Hindi po lahat nabibili ng pera. Hindi po lahat nadadaan sa pera. Hindi po lahat nasisilaw sa pera.
Maging humble ka. Keep your feet on the ground para pagpalain ka pa lalo.
Bagkus na yurakan ang mga mahihirap bakit ndi natin gamitin ang pera natin para makatulong.
❗jhoy❗
Para sa akin naman lalo na sa panahon natin ngayon talagang marami akong nakikita na ganyan ang ugali pero kadalasan naman sa ganyan ay yung mga taong datoi ay mahirap lang biglang yumaman... At siguro dahil sila ganyan ay parang nabigla sa yaman nila yung tipong mga taong di marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan at di rin iniisip na yung yaman nila ay hiram lang😕