Buhay OFW

2 19
Avatar for Meme90
Written by
3 years ago

Ang pagiging ofw ay hindi madaling gawin sa buhay lahat mararanasan at mapagdadaanan MO bago MO makamit ang inyong mga pangarap sa buhay.

Sa lahat ng pag uugali na meron sa Pinas ay di po dapat dalhin sa ibang bansa. Dapat sa pag uugali na meron ka ay ang pagiging mpag kumbaba, ma pag pasensya, at higit sa lahat ang pagiging matiisin sa lahat nga mga gawain or sa mga bagay bagay,.

Sa bansa ng Kuwait dito ako na Punta sa lugar na ito at dito ko din na susubukan lahat lahat na mga di ko na gagawa sa pilipinas. Dito ko nararanasan lahat lahat na pagsasakripisyo, oo sabihin nlang natin na ma laki ang sahod pero ang katumbas ay ang iyong katawan parang tinatawag na din na buwis buhay, lahat Madadama MO ang lungkot, Saya, at ibat iba pang mga emotions na matitikman MO...

Sa pag tatrabaho po sa ibang bansa lahat po nag oras ay ibubuhos po lahat sa trabaho kasi di lahat ng mga employer ay may mga puso Yung iba. Iniisip at ituturing Talaga kayong katulong or ang babaw lng ng tingin Nila sa iyo.. Pero dahil nga din sa Kaya nga nangibang bansa at Para mag Trabaho at di Para maging prinsesa. Kaya lahat na mga masasakit at itatawag Nila sa yo ay dapat mong tanggapin At gawin kasi Sabi ng ibang mga employer is now work no pay daw. Kaya dapat talaga kakayanin at pag tatiyagaan lahat.

Ang Trabaho din natin sa Pinas ay di katulad sa ibang bansa. At kailangan din sa pagiging OFW dapat mautak ka sa lahat ng bagay bagay Lalo na sa mga Trabaho natin. At sa lahat na mga gawain MO sa Pinas ay di katulad sa mga gawain sa ibang bansa.

At sa pagiging katulong naman ay halos 24hrs. Na din ang ating pag tatrabaho. Kahit subrang pagod at puyat muna di ka pwedeng mag reklamo kasi Para sa kanila ay pumunta ka sa ibang bansa Para mag trabho at hindi Para maging prinsesa.

Kaya sa pagiging ofw paswertehan na rin kasi my iba nmn nka hanap ng mababait na employer at Turing niya sa iyo ay parang ka pamilya na rin at tratuhin Kang Tao at ire respeto ka katulad sa pag rerespetu Nila sa kanilang mga sarili.

Kaya nga ang akala ng iba ay madali lng ang buhay ng isang ofw tingin din Nila ay nkapag abroad lng is Mayaman kana at madami ka ng Pera, di lng nila Alam Kong ano ang nararanasan MO sa pagiging ofw... Kaya advice ko sa mga domestic helper Jan mag ipon po kayo wag parati mag papa dala Para sa Pamilya dapat iisipin niyo din ang mga na pag daanan niyong hirap at pagod sa pag tatrabaho sa ibng bansa.. Para sa gayun uuwi po tayong masaya at mkapag for good na din sa Pinas....

2
$ 0.01
$ 0.01 from @Jay997
Avatar for Meme90
Written by
3 years ago

Comments

Tama ka po

$ 0.00
3 years ago

Titiisin mo ang lahat at sakripisyo Ang kailangan at tiwala sa sarili at salig Sa Poong lumikha

$ 0.00
3 years ago