"Hi" napaka simple pero dahil sa chat na ito di akalain na mahuhulog ako

0 23
Avatar for Melchora06
3 years ago
Topics: Reality

Sa Mundong ito, sa mundo nating mga tao tayo ay patuloy na nabubuhay dahil sa pag-ibig.

Nais kong ibahagi sa sulating ito ang nararamdaman ko.

Ang lahat ay nagsimula sa simpleng "Chat sa Facebook". Matagal tagal narin nuon nung di ako nagkaruon ng Girlfriend sa kadahilanay di ako masyadong nanliligaw at dahil sa nahihiya ako't wala naman akong masyadong kagwapuhang mukha na maipagmalaki sa mga kababaihan.

Walang ibang libangan nuon ay ang facebook at ka chat ang mga tropa kapag nakaonline rin sila.

Sa isang simpleng chat na "Hai" niya ay di ko akalaing yun na pala ang simula. Isang babaing dumating sa buhay ko at nakipag kaibigan. Nung una masaya ako sa patuloy namin sa pag chat sa isa't isa, masaya kami sa pag kukwentuhan araw-araw at masasabi ko na para bang di kami na uubosan ng paksa pag kami ay nagsimula ng mag kuwentohan. Sa paglipas ng araw at buwan,dumating sa punto na para bang di kompleto araw ko kapag diko ko siya nakachat o nakausap para bang gusto kong minu-minuto ko siya makakuwentuhan yung pakiramdam na sa bawat pagising mo sa umaga GOODMORNING niya ang bukod tangi mong gustong mabasa yung pakiramdam na gusto mong umpisahan ang araw mo na masaya dahil sa kanya dahil alam na alam mo sa sarili mo na isa siya sa mga rason sa pagdilat ng iyong mga mata sa bawat umaga. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit naramdaman ang ganito datapwat sa lahat ng babae na nakilala ko sa kanya lang ako nagkaganito. Dumating sa punto na sinabi ko sa sarili ko na "Masaya naman ako na kaibigan kita pero bakit? Parang may kulang? mga katanungan na kunwari ba ako'y nag bulag-bulagan sa katotohanan na unti unti na akong tinamaan sa mga chat at goodmorning niya sa umaga na totoo namang tumatatak sa aking puso't isipan.Masaya ako na kaibigan ko siya subalit sa pagtagal napagtanto ko sa sarili ko na mas magiging masaya ako kung ang aking kaibigan ay maging aking kasintahan.

Aaminin ko na tanging boses sa tawag at chat niya sa fb ang aking naging sandalan at mga picture/litrato niya sa facebook ang naging aking basihan. Tama ," alam kung mali ang mahulog sa babaeng hindi mo pa nakikita ng personalan, pero sa kabila ng lahat ang aking loob ay aking tinatagan at mukha ay kinapalan sa pagsusugal na alam kong walang kasiguraduhan.

Dumating na ako sa punto na sinabi ko sa kanya ang tunay kung nararamdam. Nagtapat ako na gusto ko siya at gusto ko na higit pa sa kaibigan ang turingan naming dalawa at laking gulat at saya ko nung sinagot niya ako.

Pero sa kabila ng kasiyahan ko di nawala sa isip ko ang pagkabahala na pano kung pansamantala lang ito, alam kong isang malaking sugal ang ginawa ko dahil alam ko na maganda siya at aminado ako sa sarili ko na wala akong masyadong kagwapuhang mukha na ihaharap sa kanya sa panahong gusto na niyang makipagkita ng personalan sa isat isa.

Sa paglipas ng panahon dahil sa LDR kami at dahil nasa maynila ako nung mga panahong iyon, napagdesisyunan ako na umowi ng probinsiya sa kadahilanang para makita o magkita kami sa isat isa.

Kung kayat ang araw na isa sa pinakamasaya at pinakakakatakutan ko ay ang unang pagkakataon na magkikita kami dahil alam ko sa sarili ko na baka ito na ang una at huling pagkikita naming dalwa dahil malaki ang posibilidad na di niya ako magustuhan sa personal o hindi niya magustuhan kung paano ako tingnan sa personal. Sa mga punto at sandaling iyon ay inihanda ko na ang aking sarili na matagal na ang isang oras naming pagkikita at uuwi na siya, pero laking gulat ko nung nagtanong siya kung anong oras na at inakala kung uuwe na siya diko akalaing sabihin niya na maaga pa at sabihin niya na pedi paba kami mamasyal sa lugar na maganda na alam niya😊

Ito yung unang meet up namin na sa ka kagustuhan kong makakuha ng picture sa kasama siya ay di na ako nagpaalam na mag selfie kahit di niya alam. Yung feeling na masasabi mo na "ang ganda niya makakuha nga ng picture🤣🤣😅

At ito yung lugar kung saan niya ako dinala😊 at sarap ng feeling pala pag nakapagpapicture ka sa taong hinahangaan mo talaga😊

So guys yan yung simula ng love story ko sa babaeng chatmate ko na naging Girlfriend ko at masaya akong sabihin sa enyo na running for two yrs na po kami☺

Kaya to those people out there na mahiyain sa personal try nyu rin sumogal manligaw sa fb o kahit anong online communication hihih malay nyu guys chat mate mo lang ngayun bukas maging ina/ama o ama na ng isan dosenang anak ninyong dalawa.

Thank you for reading and God bless you☺😘😘

1
$ 0.00
Avatar for Melchora06
3 years ago
Topics: Reality

Comments