read.cash Log in
@Megeorgia

Good evening, everyone! May nabasa ako dito na ban daw sa kaniya ang mga food posts kasi marami daw ang mga taong salat sa pagkain. Pero kung iyon ang kaniyang pasiya, dapat nating igalang, iyon ang saloobin niya. Kani-kaniya naman tayo ng pananaw. Ang importante kung ano ang motive natin. Ako naman ito ang way ng pagbati at pakikipag-interact ko sa mga noisemates dito. Actually kapag nakikita ko ang mga food post dito, bukod sa nagkakaroon ako ng ganang kumain, parang napapalapit ako sa mga kanoise na masayang nagse-share ng kanilang mga foods online. For me sharing food posts virtually helps us connect and bond with each other. And according to a study, food posted creates a sensation of good feelings and positive reinforcement. Kaya nagagalak akong i-share dito ang simpleng pagkain namin kanina. Ha-ha! After ng aming Sunday worship, umuwi din kami agad. Itong ulam namin na Sweet and sour fish, ang mister ko ang nagluto nito. Kasi iyan ang isa sa paborito niyang niluluto bukod sa ginataan at adobo. In fairness, napakasarap ng niluto niyang ito, mga organic na tilapia kasi iyan. Hindi ko na pinicture ang inihain ko na may kasamang mga fruits for dessert kapareho lang ng mga nakaraang post ko. Nagdala din ng 2 ripe papaya si mister kagabing umuwi siya at ang sarap ng pagkahinog. Itong fish na lang ang i-po-post ko, at itong snack ko kanina. He-he! Sana ganahan kayo sa pagkain, gaano man kasimple ito. Ang mahalaga makatulong ang kinakain natin na mapanatili ang lakas ng katawan natin.

40 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.