read.cash Log in
@Megeorgia

Shopee Time Yesterday, dumating uli ang parcel ko from Shopee, air purifier. 307 lang. At nagamit na namin kagabi. Ok naman siya. Noong isang araw naman iyong order kong umbrella ang dumating. For the first time iyan ang order ko na nadismaya ako kasi ang akala ko automatic folding umbrella pero hindi naman pala. Ha-ha! Kaya pala mura lang siya. 85php lang. Ako ang nagkamali hindi si Shopee. Hehe! Pero meron naman akong Fibrella na ginagamit ko kapag lumalabas kami para sa aming in-person activity. Binili ko iyon sa Sm Department store. Itong galing sa shopee kapag kailangan lang lumabas ng bahay ko gagamitin, dito sa malapit lang. Madali lang masira ang ganitong klaseng umbrella. Pero ok na rin kung dito lang naman. Nasa gumagamit na siguro iyon. Kumusta na kayo, mga mate? May bago bang update dito? Share niyo naman sa akin, please.. Have a great day ahead, dear friends and noisemates! Love you all! @Megeorgia

23 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.