Crackers With Best Foods Sandwich Spread Mga Ka-Mema hindi ko sana balak picturan itong snack ko. Kasi pagkatapos kong ayusin ang mga nilabhan ko at mga damit sa cabinet nagutom ako. Nagha-hanap ang stomach ko iyong yummy na meryenda talaga. Kaninang after lunch kumain din ako ng fruit salad di ko na pinicture dahil parang ulit-ulit lang. Dahil wala na kaming sliced bread naisip ko na lang iyong mga crackers namin dito lagyan ko ng palaman. Inisip ko pa kung alin sa mga palaman ang ilalagay ko. Iyong unang piraso nilagyan ko ng cheese whiz pero di ko na pinicture dahil wala naman akong balak na i-post iyon. Nang maisip ko try kong lagyan naman ng Best foods sandwich spread na nasa ref, nang kainin ko nasarapan ako, parang masarap pa sa pizza na nabibili lang namin dito sa malapit sa amin. So itong dalawa nilagyan ko uli at naisip ko na picturan para ishare sa inyo. Dahil sa dining table ako nagmemeryenda, dinala ko pa muna dito sa kuwarto para dito picturan. Try ninyo, nasarapan ako tiyak masasarapan din kayo. Daig pa talaga ang pizza sa sarap basta malamig ang sandwhich spread at kapalan lang ang palaman. Buti natuklasan ko ito kasi di ko gaanong pinapansin ang mga crackers, gusto ko kasi iyong medyo mabigat sa tiyan kapag gutom ako hehe. Kayo mga kaingay ano ang mga natuklasan ninyo o naimbentong luto para sa meryenda, na dati hindi ninyo napapansin pero mapapasarap niyo pala? Share naman ninyo! Luv u all! @georgia0817
5 comments
Mukhang masarap nga nito sis try ko rin 'to Baka magustuhan din Ng mga bata :)
wow sarap nman sis.
So tasty enjoy your breakfast
Hello dear, happy mother's day to you
Its delicious food sis. Mgandang gabi. Ingat lagi