Simple Foods Hello, mga Ka-FoodTrip! Nandito na naman ako para mag-share ng mga simpleng pagkain pero masarap naman at masustansiya din. Iyong ngayon at kahapon. Nag-skip muna kasi ako sa pagpo-post ng pagkain kahapon. Pero ang totoo niltrato ko ang mga kinain ko yesterday para isama sa ipo-post ko ngayon. He-he. Ang ulam namin kaninang tanghali ay ginataang sitaw at kalabasa na sinahugan ng hipon at pork giniling. Ito lang ang dish namin for lunch (first picture). Pero sinisikap ko na may prutas for dessert. Saging ang dessert namin kasi hindi pa gaanong hinog ang papaya, (2photo). Kahapon ng hapon nagluto ako ng corned beef gaya ng makikita niyo sa 3 & 4 picture. Iginisa ko sa bawang, sibuyas, at kamatis. Nilagyan ko ng patatas at repolyo at kaunting paminta. Nasarapan kami ng daughter ko kasi malasa ang corned beef. Bihira kasi akong magluto ng ganito. Ang last picture ay ang breakfast ko kahapon. Di ko pa alam kung ano ang snack ko mamaya. Medyo maaga pa parang di pa natutunaw ang kinain ko sa lunch. He-he! Kayo, dear friends ano ang inyong mga ganap? Good afternoon, everyone! Happy noising! Luv u all! @Georgia0817
6 comments
sarap nubg gulay hehe ako panay pagkaen naiicp ko haha
Pareho tayo, mate! Maya't maya, iniisip ko kung anong kakainin haha!
it is a feast of healthy food sis :)
wow sherep hhehehe
Enjoy m'y friend, it looks healthy
Sinigang na hipon sis sapat na.