read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Monday Busy Day Magandang early morning sa inyo mga noisers! 5:30 am pa lang gising na ako, gaya ng makikita ninyo sa pinicture ko na umiikot na washing machine 5:52 am na diyan. At habang umiikot nagwalis ako sa harap ng bahay namin, pero 6:00 am na nandiyan pa rin ang moon. Pagkatapos kong makapagwalis sa labas, nagpakulo na ako ng tubig para sa kape, nag-prito ng itlog at hotdog para sa almusal namin. Marami pa ang susunod na gawain nito. Pero bago ko ituloy ang mga iba ko pang naka-skeds na household chores ngayon, ipo-post ko na ito. Kayo mga kaingay, anong mga naka-schedule tasks ninyo ngayon? Tiyak ang maraming housewives busy sa pagluluto para sa mga mister na papasok sa work o ang mga working moms ay naghahanda na rin ngayon, pero anuman ang gagawin natin ngayon, mag-almusal muna tayo. Magpasalamat tayo at hilingin ang patnubay ng Maylalang na gabayan tayo sa maghapong ito. Have a fruitful, blessed Monday, everyone! I love you all! Lovingly yours, #Georgia0817

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.