Thursday Morning Share ko sa inyo itong pinamili ko ngayong umaga. 1kl pork ribs at 1big Milkfish. 3days na sa amin ito kasi 2 lang kami ng daughter ko na kakain. Wala kasi si mister sa Sunday pa ang uwi niya dito. Tig- half kilo ribs lang ang lulutuin ko. Isisigang ko ang kalahati ngayon, sa Sunday ko pa ilalaga naman ang half nito. Pero kulang pa ang para sa nilaga, baka Saturday o Sunday na ako bibili ng iba pang rekado nito. Nalinis ko na at ang 1/2 pork ay nakasalang na. Naka-ref na ang iba. Mag-aalmusal na muna ako, habang nakasalang ang iniluluto kong sinigang na baboy. Binili ko lang ang palabok na ito sa pamangkin ko. Tuwing umaga nagtitinda siya ng almusal gaya ng palabok, sopas, arozcaldo atbp. Nauubos lahat iyon, kasi masarap siyang magluto at malinis pa. Sa lahat ng almusal na tinda niya itong palabok ang pinaka-gusto ko at ito lang ang hindi ko pa nasubukan at hindi alam na iluto hehe.. Let's have our breakfast, friends before we continue with the rest of our work today. Stay safe and healthy! I love you all! Lovingly yours, #georgia0817
6 comments
Wow ang sasarap namn po ng mga binili nyo po ka ingay. Minsan tlaga kailangan mag budget ng mabuti mahal ang mga bilihin
sana kapitbahay ko ang pamangkin mo hahaha.. gusto ko ng palabok at arrozcaldo...:)
Sa suki mo iyan nabili mo sis? Ang galing ng pamangkin mo pala mag luto sis masasarap kaya mabilis maubos.
Your food looks so tasty enjoy, have nice day ,take care of you, I love you too
Aga mo nkapagmarket friend. Mgandang umga. Happy breakfast
Looks like you cooked the noodles after a lot of delicious. I prefer fried noodles. Good morning friend, have a good morning.