read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Magandang tanghali mga ka-Foodtrip/ka-noise buddy!!! Pagkatapos ng aming online task pinicture ko na muna itong aming lunch. Hindi ako nakapag-post kaninang umaga dahil nagmadali ako. Nagluto pa kasi ako para pagkatapos ng task ko kakain na lang kami. Na-picturan ko naman ang breakfast ko kanina kaya lang wala ng time para mag-post pa ako dahil naligo pa ako at nag-prepare sa sarili. Siyempre para presentable naman ang hitsura dahil marami pa naman kami kanina. Past 11:00 am kami natapos. Kaya past eleven thirty nag-lunch na kami. Iyong tortang giniling dinagdagan ko ng harboiled eggs for extender kasi as usual hanggang dinner na naming 3 ang nilutu ko. Ang dessert namin ngayon ay mangga naman, skip muna sa papaya. Ang upo na nilagyan ko ng bihon parang pansit din na sinahugan ng maliliit na hipon, hanggang mamayang snack time na iyan para tipid. Lahat ng luto sa noodles gusto ko at paborito kong mine-meryenda. Marami pa kaming tirang pandesal kaya kasama pa rin iyon kapag mineryenda namin ang pansit na may upo mamayang hapon. Sa ngayon malambot na ang fruit salad kaya pinicturan ko na at kakainin. Pagkatapos kong mag-post dahil half day akong wala dito, babawi naman ako. Kaya yaong hindi pa nagkakain, kumain na muna kayo para makapag-noise na tayo. Enjoy your meal dear noisers! Stay safe and healthy! Luv u all! #georgia0817

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.