My Wednesday Post Binalak ko talagang i-post kaninang umaga ang kinuhanan kong picture kaninang nag-almusal ako nang biglang may nag-video call sa akin. Matagal din kaming nag-kausap. Nang matapos iyon ay dali-dali akong nag-prito ng Bangus para sa aming pananghalian. Sabay-sabay kong nilitratuhan itong magiging lunch namin. Hindi ko pa tinadtad ang kamatis at sibuyas dito. Mas gustong sawsawan ng daughter ko ang Catsup. Isinama ko na ang Papaya para panghimagas pagkatapos ng tanghalian at itong Fruit Salad. Kailangan muna itong lumambot dahil ayaw namin ang matigas ang salad, mas masarap kapag natunaw at creamy na. Pagkatapos kong i-post ito, magno-noise muna ako, dahil maya-maya ay magiging abala na naman ako para sa paghahanda ng online meeting namin mamayang hapon. Babalik na lang ako uli no'n mamayang gabi na. Enjoy your meal everyone! Luv u all! @georgia0817
5 comments
Enjoy your meal din po sis.. sarap naman po ng inyong mga nasa hapag kainan
Parang palaging ang daming pagkain sa inyu sis.. pwede bang jan tumira hahahah just kidding
wow heavy naman ng breakfast sana all haha
Delicious food and wine sh you all the best sa inyong mga task po...
Sarap ng meal mo sissy. Enjoy your meal time