Morning Post Maaga na naman akong gumising ngayon, para ituloy ko iyong paglilinis ko dito na di ko ginawa kahapong umalis ako. Nag-breakfast ako ng 6:55 am. Iyong suki naming nagtitinda ng itlog maagang dumaan at tumawag dito kung gusto kong bumili ng itlog na pula pero actually hindi na nila kinukulayan ng pula na gaya ng dati. Bagong luto at mainit-init pa. 10pesos each lang kaya bumili ako ng 10pcs for 100. Naghiwa lang ako ng fresh tomato and onion. Ang mga onions ko white at red onions (not included in the picture) ay galing sa sister ko nanggaling sa mga in-laws niya from Nueva Ecija. Mahigit sigurong 2 kls ang ibinigay sa akin at napakalaking bagay nito dahil ang mahal ng sibuyas ngayon. Pinicture ko rin itong binili ko na Pineapple Juice, Heart Smart naman, dati Smart bones o Fiber ang binibili ko. Naka-save ako ng 10pesos- 186.50 ang 6 cannned of P.juice, bale pumapatak ng 31 pesos each. Iyang apple, nadaya ang aking paningin, ang tingin ko diyan ay 130 so akala ko nakamura ako. Pag-uwi ko nang tignan ko dito sa receipt 180 pala iyan hehe. Ang advantage pa pala kung bakit sa Robinsons ako, bumibili ng mga groceries o kung may bibilhin ako sa Department Store, meron kasi akong Robinsons card at may mga go rewards na pwede kong ma-avail. Sa ngayon ang current balance ng points ko ay 109.53. Kapag malaki na ito pwede kong gamiting pambayad sa binili ko. Ang lunch namin mamaya ay itong gulay na sinahugan lang ng konting pork liempo, nasa kawali pa kaya, ilang beses kong kinunan dahil sumisingaw pa ang init nito nagiging blurred ang picture, hanngang sa nakuhanan ko din ng medyo malinaw-linaw. Tapos na rin ako sa pagma-map ko dito kaya heto naisip ko morning post naman ang gawin ko sa once a day na pagpo-post ko. Mamayang after lunch kasi meron kaming online study ng friend ko na ina-assist ko. Baka mamayang gabi after na ng dinner ako makapag-noise uli. Stay safe and healthy, dear noisers! Luv u all! @georgia0817
6 comments
Ang sarap niyang itlog na maalat sis Kasi bagong gawa siya at mura lang. Kami Rin gulay muna ngayon para healthy :)
Happy lunchtime Ma'am... Parang tingin ko palang ,Nabusog na ako. Haha.
Hello Georgia, looks like you have delicious food today,
Very healthy! Ingat po
Magandang umaga sis. Ingat palagi
Mura ng itlog na pula diyan kanoise. 10 pesos ang galing naman dito.samin 14 isa.