Karanasan.

0 13
Avatar for Meeraah
3 years ago
Topics: Life

Hindi kumpleto ang iyong buhay kung wala kang karanasan.

Way back 2016, its my first time to be employed maliit lang sweldo ko tamang-tama lang sa aming tatlo makakabili ng ulam paminsan-minsan nasa bahay pa kasi ako ng parents ko that time. May taga bili pa ng bigas at minsan ng ulam. That time, I was assigned in the Treasury Office in the Local Government Unit. Isa ako sa napili na gawing Casual, oo selected lang hindi basis ang credentials. Napili ako dahil isa ako sa anak ng Barangay Captain na naka support sa bagong naka-upo na Mayor that time.

A time passed by, 11 months ang 15 days lang ako na assigned sa Treasury Office I was requested sa ibang Opisina ito ay School (External Studies) dahil ng Step out ang isang Staff niya dahil na hire sa mas stable ang permanent Job. Before as Office clerk sa dating Opisina ko, sa nalipatan ko Office clerk din ako for 1 month, naging disbursing Officer for 3 months and naging Cashier for almost 1 year. After that time ang Opisina na nilipatan ko ay nagsplit na sa LGU at hindi na sila affiliated ang School. Nagrequest ang Main Office kung sino ang ma recommend ni mayor for the positions. I was recommended as Supply and Finance. Lumaki ang sweldo namin my subra na ng kaunti dahil national na, kaya lang walang benefit s kahit na philhealth lang. Hinahawakan ko ang posisyon na yan for 4 years.

After 4 years, na shocked nalang ako na sinabihan ako na isa ako sa hindi ma renew for the contract. The reason is, kaunti nalang ang enrolees dahil hindi tatanggap ang School kung hindi pasado sa College Entrance Test hanggang sa unti.unting lumiit ang pumapasok sa aming School kaya dalawa kami na hindi daw ma renew dahil hindi daw kaya na pa sweldohan.

After a week natapos na din ang contract hindi na ako pumapasok, I am applying another job, asking for help sa mga Politicians baka sakali pero walang vacant kasi dito sa aming lungsod kaya wala sila maibibigay sa akin. Nag.apply ako online, wala pa tumawag sa akin.

One day, ang isa sa kasama ko was asking "kumusta na dam.?" And I replied "okay lang dam, wala pa feedback sa mga application ko." She replied " makakita ra lage ka dam". To make conversation short, until Ive noticed sa kanyang chat na parang may work na siya. And I am not wrong kasi naibalik siya sa dati niya posisyon sa dati niyang trabaho namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin or gagawin ko. I feel na parang "PINAGKAISAHAN" nila ako. As her explaination nag apply siya sa Province pero hindi daw niya akalain na doon din siya ilalagay, ang nakakalito sa aking isipan ay hindi related ang Province sa School bakit siya nandoon.?

Actually hindi importanti na ang kanyang trabaho ngayon dahil ang mga Estudyanti ay pwedi na hindi magpunta sa library to research everything is in the google. Ilang gabi at araw ako hindi makatulog, hanggang sa I realize na bakit ko ba ipagsisiksikan ang sarili ko doon kung ayaw na nila sa akin.? Ako lang kasi ang napaka.Prangka, at honest sa lahat doon, kung ano ang nakikita ko na mali sasabihin ko talaga. Iyon siguro ang ayaw nila na malaman ng nasa itaas ang pinag.gagawa nila na mali.

Ang daming pagsubok na ibinigay sa akin ni God, kaming dalawa ng husband ko ang jobless. Bawat apply ko hindi pa ako agad matatawagan or reject talaga. Kung may tatawag naman subrang layo at wala na akong maiuuwi na subra dahil nauubos na rent ng bahay, tubig at kuryente. Bakit kaya nila ako ginaganito.? Alam naman nila na I am a breedwinner sa family ko, dahil ang husband ko ay nag.aalaga sa kuya niya na may sakit at kakamatay lang ng mother in law ko. Sadyang minalas ba ako or ito ang binigay na kapalaran ni God sa akin.? E embraced ko nalang ba itong kamalasan na ito.? Walang gabi na hindi ako iiyak dahil sa ginawa nila. Ikakasiya pa nila na isa ako sa natanggal, wala na akong trust sa kanila. Kakalimutan ko nalanh ba silang lahat na naging kasama ko sila sa trabaho.? Hindi ako makapaniwala ehh. Sana may kasagotan na ito. Ang hirao maging jobless sa panahon ng pandemic. Ang hirap hirap.

1
$ 0.00
Avatar for Meeraah
3 years ago
Topics: Life

Comments