Cguro hindi lang ako ang naririndi pag paulit ulit kang pinagsasabihan ng mga magulang kung anung dapat gawin.. Yung dapat mag aral ka ng mabuti.
Ang education ang pamana ng mga magulang natin na di kailanman ay mawawala sa atin, alm niyo kung bakit, dahil hindi yan maaagaw yan ng iba, kahit tatanda ka meron parin sayo yan.. Kaya pilit ng magulang natin na makatapos tayo sa pag aaral..
Ako laging pinagsasabihan ng magulang na dapat mag-aral ng mabuti, wag puro barkada at lalong umiwas sa bisyo.. Dapat ganito ganun sabi nila.. Lahat yon binaliwala ko. To the point na nagkaanak ako ng maaga dahil sa pagiging disperada.. At sa huli ito ako kung maari mag aral ulit ako pero di pa pwede. Bata pa mga anak ko at walang magbabantay sa kanila..
Kaya sana kayong mga kabataan wag kayong matulad sa akin na nasa huli ang pagsisisi.. Dapat sundin niyo ang payo ng mga magulang niyo.. Kung pwede umiwas sa mga bad influence na barkada..
Always think many times bago mo gawin ang isang bagay.. Wag atat sa pag aasawa.. Pag aaral muna..