Kasalukuyang Pilipinas

0 18

Ang pagsisilbi sa Inang Bayan ang isang pinakamagandang sandata laban sa mga banyaga. Sa kasalukuyang panahon ay patuloy na tayo nilalamon ng kultura, paniniwala at mga makatamad na disenyo ng teknolohiya. Nasasanay na tayo sa mga galaw na "instant". Sinasalita ang mga wikang nakasisira sa imahe ng Inang bayan. Narito ang kasalukuyan kung saan ang panggagahasa ng isang gwapong sikat ay hindi isang krimen kundi isang pangarap. Narito ang kasalukuyan kung saan ang api ay nagdurusa at ang gahaman ang siyang nasa laya. Narito ang kasalukuyan kung saan ang siyang magmumulat ay binubulag ng halaga ng salapi. Narito ang kasalukuyan kung saan ang hikahos ang siya pang naghihikahos. Narito ang kasalukuyan kung saan ang bala ang siyang nagpapatahimik.

4
$ 0.00

Comments