Ni Wendell James Blay (Worth Reading mga kapatid)
Ako si Ko. May pinag-aralan at nagtapos ng abogasya. Mabango ang aking pangalan. Iniendorso ako ng mga sikat na artista. Magandang stratehiya para sa pangangampanya.
Ako si Ti. Matagal ng nanunungkulan. Kilala ang pangalan ko sa buong nayon. Dahil sa tagal ng aking panunungkulan ay hindi na naisipan ng nasasakupan na ako ay palitan sa ilang nagdaang halalan. Matitiyak ko ang pagkapanalo ng aking anak sa susunod na eleksyon kahit baguhan pa lamang ito sa politika.
Ako si Li. Isang mangangalakal at sa tuwing eleksyon ay ibinibigay ang boto sa mga taong nagbibigay ng sobreng kasinghalaga ng huwag mo akong kalilimutan.
Ako si Po. Kilalang magaling na senator. Sa bawat binibitawan kong salita ay marami ang namamangha. Nakabuo na nga ako ng libro dahil sa dami ng pwedeng ipuna sa bansa. Ako ay tumakbo sa nagdaang eleksyon subalit hindi nanalo dahil sa kalagayang nagpapahimlay na sa akin ngayon.