Ang malunggay ay isang tropical tree na karaniwang tumutubo sa ibat ibang lugar sa pilipinas at lalo na sa malapit sa bukid. Tinuturing na miracle tree ito dahil sa dami nang nagagamot nito bilang sangkap sa mga herbal medicine at malaking naitutulong sa ating kalusugan. Pwede din itong gawin ulam sa ating pang araw-araw na pagkain. Dahil sa hitik ito sa vitamins at sustansiya at nakakapagpalakas ito ng ating katawan. Mayron itong taglay na protein na doble pa sa gatas, potassium na higit pa sa makukuha sa saging, Vitamin A na higit pa kaysa sa carrots, at Vitamin C na pitong beses pang higit kaysa sa oranges. Kaya naman nkakatulong itong magpatibay ng immune system at labanan ang mga common bacteria. Kaya malaki ang naiambag nito sa ating kalusugan.
7
18
Is that are house at the back ground??????