Nag private school ka, public school ako, pero parehas lang tayo nakapag-aral. Nagising ka sa malambot na kama at nagising ako mula sa sahig, ngunit pareho tayong may kapayapaan na pahinga sa gabi. Ang mahal ng outfit nyo, yung sakin simple at mura lang, pero parehas pa rin natakpan ang kahubaran. Kumain ka ng sinangag at inihaw na manok, ako naman kumain ng locally made food, pero parehas pa rin tayong kumain para sa kasiyahan. Sumakay ka sa sarili mong sasakyan, sumakay naman ako sa traysikel, pero nakakarating pa rin tayo sa iba ' t ibang destinasyon. Maaaring binabasa mo ang post na ito mula sa iyong S9, Note9, iPhone 10 at tinype ko ito gamit ang aking basag na OppoF9, pero nakikita pa rin natin ang parehong mensahe. ANG BUHAY AY HINDI ISANG KOMPETISYON. ANG KALIGAYAHAN AY HINDI NAGMUMULA SA LAHAT NG BAGAY, Maging MASAYA tayo sa kung anong meron tayo ngayon. Walang permanente sa mundo lahat ngbabago, lahat nawawala. Kaya kung anung mang meron ka ngayon i enjoy mo lang. Lahat ng bagay ay hiram lang maging ang ating buhay... Gawin nating Sentro ang DIYOS sa lahat ng oras! Good morning🥰🥰🥰
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Very well said dear,magka pareho pa rin tayong lahat sa ano mang anggulo tingnan.
Kaya nga magkaibang estado man ng buhay... Magkakaiba man ng paraan pareho pa din ang dahilan
Material na bagay lang po yan lahat. Iba iba man tayo ng material na bagay. Pero pareho lng tayong naliligo, Dumudumi at higit sa lahat pag namatay na tayo lahat yan ay maiiwan natin. Di natin madala yan.
Tama tama..kaya hanggat nandto p taung lahat tgnan nating pantay pantay..wlang mayaman wlang mahirap..