Si baste at ang Aso nyang si pancho part 3

0 23

Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya yung mga panahong makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.

Napagtanto niya na lubos niyang napag-iwanan ang tanging nandun palagi sa tabi niya bukod sa tito niya. Bigla niyang naalala ang daungan. Agad-agad siyang pumunta roon.

“Baste! Ang tagal mo na ‘ring hindi pumupunta dito ah, asensado ka na talaga. Nauna pa yung aso mo sa iyo dito,” sabi ng guwardiya.

Bakas ang saya sa mga mata ni Baste sa narinig niya. Agad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan palagi silang umuupo ni Pancho noon at nanunuod ng paglubog ng araw. Doon nakita niya ang matandang aso na nakaupo ng mag-isa.

Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan niya ito na parang nilalambing. Agad naman humiga ang aso sa mga paa ng binata.

Simula noon, palagi na muling naglalaro sina Baste at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati nilang pinupuntahan at inaalala na ng binata ang dati’y simpleng pamumuhay.

1
$ 0.00

Comments