Pag kalipas ng maraming taon ito na ang buhay ko hindi na makatrabaho hindi na makahanap ng pagkakakitaan ,makikita mo ako ngayon sa isang sulok ng aking silid na pinag mamasdan ang pag tulo ng ulan.
Akala ko isang panaginip lang ang lahat ngunit ng akong magising isang malakas na tulo ang nag pagising sakin sa king pagkakatulog, ito pala ang aking kisame na inanay nat nabutas na ng panahon dahil ngayon ay mag isa na lamang ako.
Uuwe ako ng bahay para sa aking mag iina,at may dala akong pasalubong sa kanila,ang aking mga anak ay tuwang tawa ganyan ko sila ilarawan nung akong malakas pa, lagi silang nag aantay saking pag uwe at masayang sasalubong sakin at yayakap yan ang alala nalang na ngayon ay aking ginugunita,dahil ng mag bago ang lahat ,nawala na din ang sigla ng aking munting kasiyahan,dahil nawala ang aking minamahal at ang dalawa kong anak dahil sa isang aksedente ,isang iglap para akong tinunaw na kandila na unti unting nauubos dahil saking pag dadalam hati.kinuha nya lahat sakin at ngayon mag isa nalang ako at nag momokmok sakin silid. At nag iintay na tumila ang ulan at tumigil narin ang patak patak na ulan sakin munting kanlungan.