Organic bell pepper

0 11

Bell pepper po kayo dyan... 😂😂😂. Organic po yan.. At nakakatuwa talaga pag namumunga na ang tanim mo. Kahit super super stress na ako dahil nawalan ng work (si Covid-19 ang may kasalanan) nababawasan nya. Thankful talaga ako dahil isa sya sa maraming tanim ko sa container na namumunga na ng marami. Ilang weeks pa kaya aantayin ko para mailahok ko na sa caldereta to. Masarap din po ihalo to sa ginisang tahong. Pwede rin scrumbled egg with cheese. Pwede rin sa paksiw na bangus. At marami pa pong iba.. Tanggal stress na, Tipid pa...

1
$ 0.00

Comments