Pakialam ?

4 9
Avatar for Marty27
3 years ago

Dapat ang mga magulang ngayon huwag hayaang ilantad ang katawan ng mga anak nilang babae. Dapat ipursue ang mga kabataan ngayon na maging maayos. At mag aral ng mabuti. Kasi kapag nilalantad masyado ang katawan ng isang bata nagiging matanda tingnan at napapantasyahan lang ng mga lalakeng walang respeto sa babae. Kaya maraming nagjojowa ngayon na mga batang babae tapos magagamit lang ng mga lalake ang mga katawan nila. Then ma-heheart broken iiyak iyak then sabay mabubuntis tsk tsk.. kulang kasi sa gabay ng mga magulang nila. Kung ang bata sa loob ng bahay ay full of love at kontento hindi na nila maiisipan pang maghanap ng ibang klaseng pagmamahal sa labas ng bahay dahil umaapaw ang pagmamahal na narereceive niya galing sa mga magulang niya. Walang perpektong tao pero lahat ay pwedeng magbago para maging maayos ang buhay. Dapat ang mga babae ay nililigawan sa loob ng bahay at hindi basta bastang asawa lang at aanakan. Dapat ang mga kalalakihan ngayon ay may magandang plano para sa magiging pamilya niya. Ang pagsikapan ang lahat pero sa nakikita ko ngayon binabastos nila ang mga babae. I have seen so many things in this life. Kaya ayaw ko iparanas iyan sa magiging anak namin ng asawa ko. Magiging mabuti siyang anak at masunurin syempre kagalang galang para hindi siya mababastos ng ibang tao. Sisikapin namin na magkaroon ng magandang family na full of love kahit sa simpleng paraan lang. at alam naman namin na mapagsisikapan ang lahat. Basta nasa mabuti kaming pundasyon ng pagmamahal sa loob ng aming tahanan.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments