Minsan darating sa buhay natin ang pagpili at pagdedesisyon ng mga bagay bagay na nakakalito. Minsan naiisip mo na kung mas mabuti ba ang lumayo at magbagong buhay pero may humahadlang sayo. Madalas na nag aaway ang puso at isipan sa mga sitwasyon na hindi natin maiwasan.. nalulugmok tayo sa pagkabigo dahil patuloy pa din tayo sa isang masalimoot na pangyayare sa ating buhay. Gusto mong makaalis pero hindi mo alam kung paano? Dahil hindi kaya ng iyong damdamin na kumawala.
makakatulong nga ba ang nararamdaman natin sa isang bagay na kailangan ay isipan ang mag wagi ? Hangang kailan ka magiging ganyan?
Kapatid, hindi tayo bumabata para malagpasan ang lahat ng mga pangyayareng hindi kanais nais. Tao tayo na nagmamahal at natural iyon. Pero matutong huminto kung kinakailangan. Matuto tayong baguhin ang mga pangyayare na minsan ay dumalas sa pag hikbi ng ating mga mata sa kalungkutan.. habang tayo ay humihinga may buhay, may bagong pag asa. Nasa sa iyo iyan kapatid kung paano mo pagdedesisyunan ang mga bagay na dapat mong gawin.
walang taong perpekto, lahat tayo ay may pagkakamali. Pero ituwid natin ang mga pagkakamali na iyon. Maikli lang ang buhay para ilaan ang mga oras natin sa mga malulungkot na araw na magdadaan pa.
Magandang araw sayo, every thing is going to be alright. All is well 🙂❤️
-Marty.
Nice article baby girl😘