Hi! Ako nga pala si marty!! Wala lang..
oo ikaw nga! Ikaw na nagbabasa neto ngayon.
oo ikaw ang kinakausap ko.. hindi man kita kilala pero alam kong mabuti kang tao. At masaya ako dahil nababasa mo ito. Nagbigay ka ng oras para basahin ang walang kwentang bagay na ito.
isa akong halimbawa na tao na hindi maintindihan ang gulo ko kasi!
kagaya ngayon.. magulo akong kausap pero gusto ko na pakinggan mo ko kahit magulo ako.
gusto ko pansinin mo ako.. ah.. basta, wala lang..
gusto ko lang na may nakikinig sa akin.
kahit na saglit lang. kahit na konting oras lang. ako si marty, oo paulit ulit. Ang kulit ko kasi eh.
pero alam mo kahit makulit ako mabuti akong tao at masayahin ako gusto ko lang mag spread ng pagmamahal habang nabubuhay ako. Kahit hindi mo ko kilala nagpapasalamat ako dahil sa ganitong paraan ay pinakikinggan mo ko.
sana, lahat ng gusto mo ay matupad mo. Konting tiis lang kayang kaya mo yan. Marami na tayong napagdaanan sa buhay kaya kapit lang. ikaw pa ba? Lahat ng mga bagay bago makamit ay may konting pagtitiis.. pero tyak na makukuha mo yun ano man yun..
sige, maraming salamat sa oras.
oh siya! Aalis na ako!! Sa susunod ulit ah.
mag iingat ka!! Kahit nasan ka man friend”
at hangang sa muli..
-Marty.
haha oo nga naman diba nga mga hoyy 😂😂