Exorcist

4 21
Avatar for Marty27
4 years ago

Sapi

(True Experience) 2009

Hindi na ito bago sakin. Mga multo or what pero etong experience na ito ang tumatak sa isipan ko, hindi lang kasi ako ang nakaranas halos buong section namin. Akala ko lang talaga nababaliw ako or what kasi wala talagang explanation ang mga kakaibang nakikita ko. Hope you like it guys.

Education students kami. At expected pag Education student madaming gawain na kung anu ano. Finals namin nun sa Physical Education at cheerdance ang kailangan naming ipresent. Dahil gusto namin na manalo nag-overnight kami sa place na alam naming safe kami which is Balayeños so called "Kutawtaw".

Nung umaga ok pa, masaya ,nagdasal muna kami syempre sign of respect. Hanggang sa naghapon na, pahinga muna kami. Ako hindi na maganda ang pakiramdam ko, kasi may nabulabog na ata kami dahil nag-umpisa ng maglabasan ang hindi ko dapat makita. Hindi ko na yun pinansin kasi isa sa natutuhan ko ay hindi na dapat pinapansin ang mga multo o ano para hindi na sila sumunod sa inyo.

Kinagabihan, nanuod muna kami ng liga same place. Pagkatapos kumain, pahinga ,and start na ulit ng practice. 9PM (not exact time) practice pa din kami, inabot kami ng 12AM ata. Hiwa-hiwalay kami ng pinagpapraktisan dahil bawat grupo may kanya kanyang step. Nang bigla nalang nangisay yung isa kong kaklase na itago natin sa pangalang Erica. Inalalayan namin, kahit ako masama na pakiramdam ko, nilapitan ko pa din. Iyak siya ng iyak di siya mapatahan. Yung mga lalaki naman, bubuhatin na sana siya pero bigla siyang nagwala, iba na kutob ko. Naglabasan na naman sila at yung iba mga nasa likod na namin.

Maya-maya yung iba kong kaklase pinagpakitaan na din nila wala silang piniling mga kaklase ko na hindi sila makikita. Nagpakita na sila samin sa buong section namin. Nagkagulo na, nakabulabog kami. Hindi na namin alam ang uunahin, yung kaklase namin na nangingisay o yung mga iba naming kaklase na nag-iiyakan na dahil sa takot. Hindi namin alam na sinapian na pala yung nangingisay. Pero bigla nalang siyang naging OK. Yun ang akala namin na tapos na. Napagdesisyunan namin na mag-siuwian na. Kami nakitulog nalang.


Kinabukasan, ok na lahat finals na. Naging ok ang lahat pero sa hindi namin maipaliwanag, naging tahimik si Erica, yung hindi mo talaga makakausap. Nag-iba din yung ugali niya. Kung kakausapin mo tititigan ka lang niya sa mata. Pinili kong lumayo sa kanya dahil alam ko may sapi pa siya. Pero ang binalingan pala nung kaluluwang sumapi kay Erica ay yung isa kong kaklase.

Ayon sa kanya nanlalamig siya at parang humihiwalay ang kaluluwa niya sa kanya, namamanhid ang katawan nya. Dinala namin siya sa simbahan, pinagdasal pero wala. Sinabi nung isang nasa simbhan, pumunta na daw kami sa albularyo kasi hindi naman daw namin matutulungan ang sarili namin ng kami-kami lamang.

Pumunta kami sa may Gimalas may albularyo dun. Nagawan niya ng paraan ang sa kaibigan ko, pero yung kaluluwa pala lumipat ulit kay Erica. Si Erica nun ay nasa kanilang bahay hindi daw makausap ng maayos tulala na naman. Sabi samin ng albularyo ang sinasapian daw ay yung mga mahihina ang mga resistensya, yung mga gutom or yung mahihina ang pananalig sa diyos.


So yun nga, ang ginawa namin dahil ayaw nga sumama ni Erica sa albularyo pinaniwala namin siya na pupunta kaming galaan, pero pagkadating namin sa bahay ng albularyo nagwala na siya. Lalaki na ang naghahawak pero walang nagawa, pahirapan bago maihiga sa papag. Madaming ginawa kay Erica, akala namin tapos na pero maya maya nagwala na naman siya.


Sabi samin ng albularyo madami ang nagambala namin na naninirahan sa lugar na yun, hindi raw namin nakuha sa dasal at galit na galit ang mga ito sa amin. Si Erica lamang ang napasok nila dahil hindi nila mapasok ang iba. Nahimasmasan ng konti si Erica ng may itinapal ang albularyo sa noo nito. Inihatid namin siya sa bahay nila para narin masigurado namin na ligtas siya at hindi na magwawala. Pero yung mga sumasapi pala sa kanya andun nag-aabang sa bahay nila nauna pa samin, inaantay ang kaibigan kong latang-lata na.

Pagkahiga agad niya sa kama niya nagsisigaw na naman ang kaibigan ko. Napagdesisyunan namin na bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, tinirikan namin lahat ng pwedeng matirikan ng kandila at nagdasal kami ng taimtim. Pagkatapos nun, yung pakiramdam ng lahat gumaan at si Erica, hindi pa rin makarecover, masyadong nagamit ang katawan niya.

Sa ngayon, tigil na siya. Pero hanggang ngayon, trauma pa rin saming lahat, sariwang-sariwa pa. Hindi namin magawang mapagawi sa lugar na yun hangga't maaari lumalayo kaming mapapunta dun.

PS: Salamat sa pagbabasa kahit mahaba

-Marty27

3
$ 0.00
Avatar for Marty27
4 years ago

Comments

I can read this

$ 0.00
4 years ago

nakakakilabot ang kwento mo ayok mangyare sa akin yan

$ 0.00
4 years ago

Oo nga scary

$ 0.00
4 years ago

This is a nice topic if you could have your own thoughts. Hindi siya EXC edit some of its part.

$ 0.00
4 years ago