Ang buhay ko na puno ng pagdurusa chapter 1

0 14
Avatar for Marriam06
3 years ago

Simulan ko ang aking kwento noong ako ay bata pa.sabi nga sa kanta ni Freddie aguilar,,nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo.

Yes totoo po yon kaysarap sa pakiramdam maging bata,yong wala kang iniisp na problema,lahat magagawa mo maglalaro ng bahay bahayan,luksong tinik at marami pang iba,,magtakbuhan sa kabukiran kasama ang kapwa mo bata.

Yong tipong naghihintay ka lang ng tawag ng iyong inay at itay para sa iyong pagkain.kaysarap alalahanin ang buhay bata.

Pero nagbago ang lahat ng yon simula ng akoy nagkaisip at natutung magdisisyon sa sarili..pinag aral ako ng magulang ko nakatapos naman ako ng secondarya,at naktongtong pa ako ng kolihiyo,,at sa kasamaang palad akoy lumagpak,at ako na ay tinamad sa aking pagaaral kaya itinigil ko na.

Dahil sa nangyari akoy nagdisisyon sa murang edad akoy lumayo sa aking magulang,hindi ko na matandaan kong anung year ng akoy nakipagsapalaran sa syudad ng iligan city,,doon ako napadpad at nagsimulang manilbihan bilang isang kasambahay.

Maganda naman ang trato nila sa akin pero parang my kulang pa at hindi pa ako kuntinto.siguro dahil maliit lang ang sahud sa mga panahon na yun,3k lang ang isang buwan at ito ay kulang na kulang sa pansarili kong pangangailangan.

Gusto ko kasi makatulong sa aking magulang kaya parang isip ko ay lutang at naghahanap ng kasagutan sa aming kahirapan.

Lumipas ang mga araw at buwan isa na namang disisyon ang aking napagpasyahan.ako ay lumisan mula iligan city dinayo ko ang kamaynilaan.

Sa aking paglalakbay tangging panggarap ,,panalanggin at pananalig sa may kapal ang aking baon patunggo sa lugar na aking pupuntahan.

Hinanap ko ang aking tyahin na kong san sa quezon city ko siya natagpuan.tulad pa din ng dati akoy nakapasuk ng trabaho at kasambahay pa din aking kinabagsakan.nagtiis ako ng ilang buwan sa malupit kong amo na akala mo hayop kang nilang ituring.

Hindi nagtagal akoy umalis at naghanap ng ibang mapasukan at kalaunan nakapasuk ako sa isang restaurant na sa gabi ay may inuman.

Sa kasamaang palad doon ko nakilala ang taong nagpatibok ng aking puso.hindi nagtagal akoy kanyang niyaya na kami ay magsama na.napaisip ako grasya na ba ito o disgrasya.hahaha.

Dahil akoy pagud na magisa napagpasyahan kong sumama na sa kanya,ang akala ko guminhawa na ang buhay ko,,mali pala ako dahil mas lalong gumulo ang buhay ko.napunta pala ako sa maling tao.

Pero ganun pa man tiniis ko pa din ang lahat dahil sa tawag ng pag ibig.oo minahal ko siya at hindi naglaon nagbungga ang aming pagsasama,hindi lang isa o dalawa kundi anim pa.oh diba ang dami...

Note..my karugtong pa po yan sa second chapter....

2
$ 0.00
Avatar for Marriam06
3 years ago

Comments