"Susulat"

8 29
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Susulat, susulat ako

Susulat ako ng ating kwento

Kung saan, kailan at paano

Kung paano mo napaniwala ang tulad ko

Tulad ko na naging tanga sayo

Susulat ko, isusulat ko kung saan natin ito sinimulan

Sa paanong paraan nga ba ? Sa paanong paraan, kailan ba tayong nagsimulang maglokohan

Naaalala mo paba ? Para tayong mga bata na walang pagsidlan ang ating kaligayahan

Tanging nais lamang ay laging magkasama

Tila tayong dalawa lamang at walang pakialam sa iba

Tila ba'y hindi nagkakasawaan sa isat-isa

Tanging nais lamang ay laging kapiling ka

Ngunit isang araw nagising sa katotohanan

Ang lahat pala ay isa lamang kalokohan

Kung saan ako lang pala ang syang tunay na naliligayahan

Dahil sa pagmulat ng aking mga mata

Nagising ako sa isang kathang isip na ako mismo ang may gawa

Nakalimot ako, nakalimot ako na "Oo nga pala ang lahat ay isa lamang ilusyon, ilusyon na ang akala ko ay maaaring maging totoo, ngunit nakalimot ako, nakalimot ako na hindi pala ako ang iyong gusto

Aamin, aaminin ko sayo nasaktan ako

Pero ikaw ba ay aking masisisi? Ikaw ba ay aking masisisi kung sa simula palang ay alam ko na, alam ko na, na WALANG TAYO

Oo waalang tayo pero, bakit ganon ? Bakit ganon na lamang kung ako ay itrato

Ikaw ba ay nanadya ? Ito ba ay iyong sinadya, dahil sa umpisa palamang ay alam mo na, alam mo na ako ay baliw sayo

Ako ba ay sadyang pinagmukang tanga na bumuo ng isang ilusyon na tayong dalawa ay magkaroon ng TAYO

Susulat ako, isusulat ko, sumulat ako, sumulat ako ng ating kwento na akala ko ay totoo

Na akala ko ay tayong dalawa hanggang dulo, tayong dalawa hanggang dulo pero, ito palang isinulat kong kwento ay isa lamang ilusyon, ilusyon kung saan ako lang pala talaga ang syang tauhan, tauhan sa kwentong aking binuo na akala ko ay kasama ka hanggang sa magwakas ito

Ako lang pala ang maiiwan hanggang dulo, hanggang sa dulo ako lang, ako lang ang syang nasasaktan, ako lang ang syang nasasaktan sa kwentong aking sinulat na walang katotohanan dahil, dahil sa simula pa lamang ng ating kwento na aking isinulat ikaw ay lumisan na

Ngayon, ngayon ay aking wawakasan na ang sulat na ito dahil, dahil alam kong hindi na babalik ang karakter mo dito sa kwentong ito

Alam kong ako lang, ako lang din ang syang makakasama ko hanggang sa wakas ng kwentong ilusyon na aking ginawa

Tapos na, tapos na ang kwento, ang kwento ko

Oo, ang kwento ko, kwento ko dahil wala ng ikaw, wala naman pala talagang ikaw sa simula palang dahil, ako lamang ang bumuo sa aking imahinsayon na ikaw ay aking kasama dito sa aking kwento hanggang dulo

Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty

10
$ 0.00
Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Comments

Goodjob poo 😁 keep up you doings lang pooo.

$ 0.00
3 years ago

Thank you

$ 0.00
3 years ago

You're welcome pooo. Here to support

$ 0.00
3 years ago

sana nga ay kwento lang ito at bunga ng iyong malikhaing kaisipan. Pro kung ang lahat ng ito ay katutuhanan, wag ka sana mawalan ng pag-asa napakasarap mag mahal at mahalin...keep safe! πŸ˜‰

$ 0.00
3 years ago

Thank you 😊

$ 0.00
3 years ago

Binasa ko binasa ko.. At sana hindi yan totoo.. Pero kung sakali manatiling magmahal At ang kakigtasan lagi ipagdasal..

Pa subscribe po idol.. πŸ˜†

$ 0.00
3 years ago

Para bang pakiramdam ko sa malikot na imahinasyon na ito ay may nakakubling katotohanan na meron talagang kalungkutan. You got me with your article. Nice. Keep it comingπŸ‘πŸ˜‰

$ 0.00
3 years ago

Thank you 😊

$ 0.00
3 years ago