Mga matang mapang husga

1 16
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Isang maling kilos o galaw ikaw ay mapaparusahan

Mapaparusahan ng mga titig nilang ayaw kang lubayan

Kabi-kabilang bulongan ang iyong maririnig

Mga matang nakatitig sayo na tila ba ikaw ay isang kriminal

Na para bang ikaw ay nag kasala na walang kapatawaran

Baeat kilos o galaw pananamit at pananalita ay kanilang pinupuna na sa bawat pag lakad mo ikaw ay tititigan mula ulo hanggang paa

At mag sisimula ka mang husgahan ng mga titig nila na parang nais ipahiwatig na ikaw ay marumi

Marumi ka sa paningin nila, dahil ikaw ay nakasuot ng spaghetti shirt at pekpek

Sa kwento ng iba ikaw ay pokpok

Pokpok ka dahil kung manamit ka ay pekpek nalang at utong ang may saplot dagdagan mo pa ng mapupula at makakapal na kolorote sa muka

Pokpok ka sa paningin nila dahil hindi nila alam amg salitang kumpyansa, kumpyansa sa sarili kung saan binibigyan ka ng kumpyansang manamit ng naaayon sa kagustohan mo pumostura o ano pa man.

Mga mata nilang mapang husga tila hindi ka titigilan sa isip at mata nila ikaw ay marumi , marumi dahil kung sino sibo raw ang iyong nilalandi , oo nilalandi dahil malandi ka sa paningin nila dahil kung kumilos ka ay hindi tama sa paningin nila oo, hindi tama at naaayon sa paningin nila

Mga matang mapanghusga na akala mo ay malilinis, ni hindi nakuhang manalamin bagi manghusga, hindi nakuhang husgahan ang sarili sa salamin upang mapag tanto ang kakulangan nila

Nga matang mapang husga na akala mo'y perpekto na

Mga matang mapanghusga na walang alam gawin kundi ang husgahan ang iyong panlabas na kaanyuan dahil sa mata nila sa unang tingin nila dahil sa iyong kilos at pananamit ikaw ay marumi

Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty

5
$ 0.00
Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Comments

Sbe nga nila don't judge the book by its cover ....

😊😊😊

$ 0.00
3 years ago